Dingdong Dantes comments on Regine Velasquez's decision to transfer to ABS-CBN

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes and wife Marian Rivera spearhead The Color Run Hero Tour happening on November 18, in McKinley West, Taguig City.


Matagal na nagkasama sina Dingdong Dantes at Regine Velasquez sa GMA-7.

Noong 1990s, ang naging regular shows ni Dingdong sa GMA ay ang T.G.I.S. at SOP (Sobrang Okey, Pare!), kung saan isa sa main hosts ang Asia’s Songbird.

Bukod pa rito, may mga iba pang shows sa GMA-7 na nagkasama sila.

Nitong nakaraang October 17, pumirma ng two-year exclusive contract si Regine sa ABS-CBN matapos ang dalawang dekada nito bilang Kapuso.

Ayon sa Kapuso actor, mami-miss nila ang singer-TV host sa bakuran ng GMA-7.

Nakakalungkot man daw na nilisan ni Regine ang network, suportado naman niya ang naging desisyon nito.

Sabi niya, “Well, definitely mami-miss namin siya dito.

“Mami-miss ko siya, being in GMA for 20 years, ako ha, siyempre kasama ko siya dito, and siyempre nakakalungkot, pero naintindihan ko ang kanyang naging desisyon at sinusuportahan ko siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa presscon ng The Color Run Hero Tour noong Huwebes, November 8, sa GMA Network Center, Timog Avenue, Quezon City.

Dumalo rin sa presscon upang magpakita ng suporta kay Dingdong ang asawa niyang si Marian Rivera at iba pang Kapuso stars na sina Paul Salas, Manolo Pedrosa, Ayra Mariano, Marika Sasaki, at Sanya Lopez.

 IMAGE Noel Orsal
 IMAGE PR Photo

COLOR RUN

Ang The Color Run Hero Tour ay inorganisa ng GMA-7 at Runrio Events. Ang beneficiary nito ay ang YesPinoy Foundation ni Dingdong.

Kuwento ni Dingdong, “Sakto na ang tema nung advocacy [ng YesPinoy] na I am Super ay may kinalaman sa pagiging heroes, pero not the literal hero, yung pangkaraniwang hero.”

Dagdag pa ng aktor, masaya siya dahil makakasama ang asawang si Marian at ang anak nilang si Zia Dantes sa event.

Saad niya, “Yung color run ay hindi lang para sa mga hardcore runners talaga, pero pang-barkada siya.

“More importantly pang-pamilya siya kasi minsan yung distance nakaka-intimidate iyan kapag sinabi mong 10K, 21K, pero kapag 5K, iyan puwede mong lakarin, kasama mo yung mag-anak mo, mga barkada, and ultimately masaya siya dahil makulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos ang highlight nito yung powder na sinasaboy dun sa finish line.

“Sa totoo lang hindi ko pa na-experience, nakikita ko lang sa videos, so ako, it’s a privilege for me na makakasali pa ako, at ang dami pang reasons to celebrate sa color run.”

Gaganapin ang The Color Run Hero Tour sa McKinley West, Taguig City, sa darating na November 18.

Para makasali, bisitahin lamang ang website ng The Color Run.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN