John Lloyd Cruz remembers the late Rico J. Puno

IMAGE Screen cap from Home Sweetie Home

John Lloyd Cruz, may simpleng paggunita sa alaala ng tumayong ama niya sa Home Sweetie Home na si Rico J. Puno.


Nagbigay-pugay si John Lloyd Cruz sa yumaong OPM legendary singer at Total Entertainer na si Rico J. Puno.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon, November 10, ipinahiwatig ni John Lloyd na nasa puso at isip niya ang alaala ni Rico J.

Si Rico J ang tumayong "ama" ni John Lloyd sa ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home.

Makikita rito ang video clip ng isang phonograph at vinyl record, na ang tugtog ay ang bersiyon ni Rico J ng "You Don't Have To Be A Star (To Be In My Show)" nina Marilyn McCoo at Billy Davis Jr.

Isa ito sa mga sikat na cover songs ni Rico J noong '70s.

Dinagdagan ni Rico J ang kanta ng linyang, "Kahit pangit ka pa baby, kailangan kita."

Makikita din sa video clip ni John Lloyd ang classic vinyl album ni Rico J.

Walang anumang caption si John Lloyd sa kanyang post.

View this post on Instagram

A post shared by Off (@dumpsitegallery) on

Nagkaroon ng ispekulasyon na baka dumating si John Lloyd sa ginanap na necrological service para kay Rico J noong November 7, sa Santuario de San Antonio Parish, Forbes Park, Makati City.

Base ito sa ulat ng PEP Troika, na nagsabing kinukumbinsi si John Lloyd na magkaroon ng partisipasyon sa musical tribute para kay Rico J sa araw na nabanggit.

Hindi malinaw kung ano ang sagot ni John Lloyd sa request sa kanya.

Ngunit hindi nakarating ang Kapamilya actor sa pagtitipon, na dinaluhan din ng entertainment media reporters.

Hindi rin naman kaila sa publiko na mailap si John Lloyd sa showbiz mula nang mag-indefinite leave ito noong October 6, 2017. 

LAST INTERVIEW WITH RICO J

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rico J noong October 18, nabanggit niya na miss na niya si John Lloyd, na naging malapit sa veteran singer-actor.

Wala na raw kasing komunikasyon si John Lloyd sa sinuman sa cast members ng Home Sweetie Home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro nga, yun na ang gusto niya. He wants to live a simple life na malayo sa showbiz," sabi ni Rico J.

"Hindi ko rin naman siya masisisi dahil ilang taon din siyang sumikat and dumarating sa isang artista yung mabe-burnout ka.

"Naranasan ko na rin noon ang ganyan. Sometimes you need a break din.

"Saka may sariling pamilya na siya, may anak na sila ni Ellen Adarna. So siguro nga, masaya na siya sa gano'ng buhay—yung tahimik at wala nang nanggugulo sa kanila."

 IMAGE Screen cap from Home Sweetie Home

Kung anu't ano man ay nirerespeto raw ni Rico J ang kagustuhan ni John Lloyd na maging pribado ang buhay nito.

"Nandito naman kami para suportahan siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya.

"We're not here to judge him for his actions kasi mga kaibigan niya kami.

"Kung ano ang nangyayari ka John Lloyd ngayon, we only wish him happiness."

Pumanaw si Rico J noong October 30, dahil sa heart failure.


Stories We Are Tracking

OPM singers give musical tribute to Rico J. Puno
OPM singers give musical tribute to Rico J. Puno
Rico J. Puno dies at 65
Rico J. Puno dies at 65
Maja catches up with John Lloyd amid his hiatus
Maja catches up with John Lloyd amid his hiatus


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN