G Tongi bashed for speaking her mind about Imelda Marcos and Manny Pacquiao

IMAGE Courtesy: @gtongi on Instagram / Manny Pacquiao Official Facebook account

G Tongi on the Marcoses: "Crimes against humanity of the Filipino people outweigh the good the Marcoses contributed to only a few of the wealthy..."


Nakipagsagutan ang dating aktres at TV host na si G Tongi sa ilang followers niya sa Instagram dahil sa kanyang post kahapon, November 9, tungkol kina Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos at Senator Manny Pacquiao.

Tinawag ni G na “plunderer” ang dating First Lady, at tinawag naman niyang “boxer turned biblical fanatic”ang Pambansang Kamao.

Sabi ni G sa kanyang post, “As a Filipina American, most people I meet around the world almost always mention that all they know of the Philippines is about this woman with the shoes or that boxer turned biblical fanatic.

“It’s not a good reputation for the Filipino people when the world knows of your country by the woman who plundered away the wealth of the Filipino people on shoes... this PROVES THERE IS JUSTICE after all.

“Former First Lady & Ilocos Representative has been found GUILTY.

“Injustices against the Filipino people will be remembered in history!

“#NeverForget#endMartialLaw join the @malayamovement to hold Philippine government accountable!”

Hinatulan ng Sandiganbayan ng guilty verdict si Imelda kahapon, November 9, sa seven counts of graft at kulong na anim hanggang 11 taon sa bawat kaso.

Ipinapaaresto rin ng korte ang asawa ng yumaong si Pangulong Ferdinand Marcos.

MANNY PACQUAIO

Sa comments section, may mga hindi sumang-ayon sa name-calling na ginawa ni G para sa dalawang mambabatas.

Sabi ni @maureen_arjan, "It’s a bit rude of you to say ‘THAT BOXER TURNED BIBLICAL FANATIC’ when he gave karangalan sa Pilipinas.

"I have co-workers that only knew Philippines exists because of Manny Pacquiao so don’t be belittle him. #respect."

Tugon ni G, "@maureen_arjan what's RUDE is saying gays are worse than animals! #respectlgbt."

Ang tinutukoy ni G ay ang panayam noon ng boxer-politician sa isang TV station, kung saan sinabi nitong ang pagpapakasal ng dalawang tao na pareho ng kasarian ay “mas masahol pa sa hayop.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isa pang nagkomento ngunit burado na ito. Pero sinagot pa rin siya ni G.

Dito ay tinawag niyang "bible thumper" si Pacquiao.

May nagtanong naman kay G kung ano ang masama sa pagiging Bible fanatic.

Sagot niya, "Meaning the world only recognizes the Filipino people because of Imelda and Manny."

ON IMELDA MARCOS

Ayon naman kay @fengfengdesarapen, "I really admire you. And I'm not a fan of the former first lady.

"But you just remembered the bad things about her, paano naman yung mga magagadang ginawa niya at ng former Pres. Marcos?

"Na-count mo ba? If you really open your mind and eyes, read beyond history, malalaman mo how great ang Philippines noon.

"And you choose to post this one.

"May mga narinig ka siguro before na magaganda about Marcos era, pero dahil sarado ang isip mo, (at judging this post hindi mo naman sila gusto) hindi mo naipost yun."

Sagot ni G, "@fengfengdesarapen crimes against humanity of the Filipino people outweigh the good the Marcoses contributed to only a few of the wealthy..."

Wala nang ibang sinagot si G sa iba pang comments sa kanyang post.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN