Nonong "Bangkay" de Andres finally laid to rest; Liza, Enrique attend last night of wake

IMAGE Jerry Olea / ABS-CBN

ABS-CBN stars Enrique Gil and Liza Soberano attend the last night of wake of their Forevermore co-star Nonong "Mang Bangky" de Andres. The character actor was laid to rest Saturday afternoon, November 10.


Inihatid na sa huling hantungan ang mga labi ng character actor na si Nonong de Andres—mas kilala bilang Bangkay o Bangky—nitong Nobyembre 10, Sabado ng 3 p.m., sa Loyola Memorial Park, Sucat Rd., Parañaque City.

 IMAGE Jerry Olea

Sumakabilang-buhay si Bangkay noong November 6, Martes, sa edad na 72.

Natagpuan ang kanyang bangkay sa isang cottage sa isang beach resort sa Plaridel, Quezon.

Nagkaroon ng isang gabing lamay para kay Bangkay sa St. Claire Funeral Homes ng Plaridel, Quezon.

Kinabukasan, November 7, na-cremate na ang mga labi niya sa Lucena City, alinsunod sa kagustuhan ng character actor.

Pagkatapos nito ay iniuwi na ang mga abo niya sa Manila.

Kinagabihan, nagkaroon ng family viewing sa Loyola Memorial Park sa Parañaque.

Noong Huwebes at Biyernes, November 8 at 9, isinagawa naman ang public viewing.

Kabilang sa mga nagpunta sa lamay noong Biyernes ng gabi ay ang mga nakasama ni Bangkay sa teleseryeng Forevermore, sa pangunguna ng mga bida nitong sina Liza Soberano at Enrique Gil.

 IMAGE Jerry Olea

Nitong Sabado ng gabi, November 10, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pamangkin ni Bangkay na si Powee Capino.

Dito ay nagpasalamat si Powee sa cast ng Forevermore.

“We would like to thank Liza Soberano and Enrique Gil for visiting the wake last Friday night,” pahayag ng pamangkin ni Bangky.

“The cast of Forevermore who devoted their time to talk about Tito Nonong will always be cherished by our family.

“We would also like to express our gratitude to LizQuen fans who sent me messages expressing their condolences and telling us how much they would miss Tito Bangky.

“Thank you to Miss Lilet and her husband for praying over us.”

Kabilang pa sa cast ng Forevermore na nakiramay sina Joey Marquez at Pepe Herrera.

Pumunta rin sa burol sina Amay Bisaya, Beverly Salviejo, at Direk Francis ‘Jun’ Posadas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Nagpapasalamat din ang pamilya ni Nonong sa ABS-CBN Creatives, kay former Senator Bong Revilla, at kina Taguig Mayor Lani Cayetano at former Sen/DFA Sec Alan Peter Cayetano para sa ipinadalang bulaklak.

Nakausap din ni Powee sa telepono si Imelda Papin, ang presidente ng Actors' Guild.


Stories We Are Tracking

Nonong
Nonong "Bangkay" de Andres dies at 71
Liza Soberano, Enrique Gil mourn loss of Mang Bangky
Liza Soberano, Enrique Gil mourn loss of Mang Bangky
Forevermore stars pay homage to Bangkay
Forevermore stars pay homage to Bangkay


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN