Joshua Garcia downplays acting accolades

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia is quick to downplay allegations that he is one of the best actors among his peers: "Hindi naman pinaka, grabe naman yun! Madaming magaling."


Noong nakaraang 32nd Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club na ginanap noong October 14 ay nag-tie for Best Drama Actor sina Joshua Garcia at Jerome Ponce sa parehong drama show, ang The Good Son.

Tinanong namin si Joshua kung okey lang ba sa kanya na may kahati siya sa naturang parangal.

Mabilis niyang sagot, “Oo naman!

“Wala namang problema.

“Nakita ko naman kung gaano siya kagaling din dun sa show.”

Sini-share din daw ni Joshua ang naturang award sa isa pa nilang kasama sa The Good Son—si Nash Aguas, na para kay Joshua ay mahusay rin.

Kahit ang ka-lovetem at girlfriend ni Joshua na si Julia Barretto (na isa sa mga hosts ng awards night) ay tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Joshua.

“Tuwang-tuwa rin siya.

“Para daw siya yung nanalo ng award, parang proud na proud siya sa akin, ganyan.

“Sabi ko, salamat nanalo ako.

“Kumbaga, naging worth it yung hirap nung mga eksena ko dun sa The Good Son, yung mga sugat-sugat na eksena dun.

“Iyon, thankful.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joshua sa birthday party na inihandog para sa kanya ng fan club niyang Tropang Joshua sa Fernwood Gardens sa Quezon City noong nakaraang Linggo, November 4.

October 7 ang mismong kaarawan ng binatang aktor.

SHRUGGING OFF ACTING ACCOLADES

Ano ang nararamdaman ni Joshua kapag sinasabing siya ang isa sa mga pinakamahusay na artista ngayon among his peers?

Pagpapakumbaba niya, “Hindi totoo yun, kasi marami akong nakikita na magaling din talaga.

“Si Nash, magaling si Nash.

"Si Jerome magaling si Jerome.

"Si McCoy [de Leon] magaling din si McCoy.”

Pero siya nga ang pinakamahusay sa batch nila, ayon na rin sa obserbasyon ng nakararami.

Tanggi niya, “Hindi naman pinaka, grabe naman yun!

“Madaming magaling.

“Kumbaga, thankful na lang ako kasi binigyan ako ng talentong ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa dinami-dami naming artista at gustong mag-artista, nabigyan ako ng talent na ganito.

“Kaya sobrang thank you kay Lord.”

BIRTHDAY CELEBRATION WITH JULIA

Noong mismong kaarawan niya ay sa Bulacan daw siya nag-celebrate.

Kuwento niya, “Sunday ang birthday ko, e.

“Nung Saturday, sumalubong kami sa Bulacan, sa rest house nila Julia.

“'Tapos, nung Sunday, nag-celebrate kami sa bahay, nag-pizza-pizza kami dun ng pamilya ko.”

Ano ang pinaka-espesyal na birthday gift na natanggap niya?

Lahad niya, “Yung treat ni Julia nung ano, kasi siya yung gumastos nung Bulacan namin, e.

“Sarap nun!

“Kasi naging tamad lang ako nang isang araw.

“Wala akong ginagawa, relax lang, walang stress, walang cellphone, walang kahit ano.”

MATURITY

Ano ang pinakamalaking pagbabago kay Joshua ngayong adult na siya?

Mas may laya na ba siyang gumimik o maglakwatsa?

Paglinaw niya, “Hindi kasi ako ma-gimik, e.

“Taong bahay lang ako, e.”

Ang nagbago raw sa kanya ay …

“Mas lumaki yung ano ko… yung puso ko...

“Kasi mas marami yung taong ginagalawan ko, mas lumalawak yung mundo ko, mas marami akong minamahal na tao, kumbaga.”

Pero mas marami na rin daw siyang responsibilidad ngayong ganap na siyang binata.

Aniya, “Sa ngayon hindi ko pa siya nararamdaman, siguro next year, kasi halos kaka-birthday ko lang, e.”

DREAM ROLE

Tinanong naman namin si Joshua kung ano ang dream role niya.

Saad niya, “Gusto ko yung psycho, gusto ko yung parang Split.”

Ang Split (2016) ay isang American psychological horror-thriller film written, co-produced at directed by M. Night Shyamalan, at pinagbidahan ni James McAvoy.

Sa naturang pelikula ay dalawampu't tatlong magkakaibang personalities ang ipinortray ng bida.

Pag-amin niya, “Siguro hanggang seven na personalities lang, yun lang ang kaya ko.

“Pero pagka yun na, sobrang dami ng ginawa niya, e.

“Gusto ko din yung I Am Sam.”

Ang I Am Sam (2001) naman ay ang pelikulang pinagbidahan nina Sean Penn, Michelle Pfeiffer at Dakota Fanning, kunsaan nakilala si Penn dahil sa kanyang award-winning portrayal ng isang intellectually-challenged father na sinisikap makuha ang custody ng kanyang anak na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung seryosong pelikula na bading ang role niya ay papayag din daw si Joshua.

Pakli niya, “Oo naman!”

Gumanap na siyang lalaking nagkunwaring gay sa I Love You Hater kasama sina Julia at Kris Aquino na ipinalabas itong taong kasalukuyan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN