Gloria Sevilla on Nora Aunor National Artist snub: "You cannot please everybody."

IMAGE Courtesy of Suzette Ranillo

Veteran actress Gloria Sevilla shares her opinion on why National Artist award remains elusive for Nora Aunor: "Well, kasi si Nora naman karapat-dapat, pero may ano kasi sila... criteria ang organization. Baka merong isa o dalawang criteria na hindi nakapasok si Nora."

 


Dalawang karangalan ang magkasunod na tinanggap ng beteranang aktres na si Gloria Sevilla ngayong taon.

Nitong nakaraang Mayo ay nanalo siya bilang Best Supporting Actress sa 2018 Philadelphia Independent Film Awards para sa pelikulang Ang Maestra.

Sinundan ito ng pagwawagi niya bilang Best Supporting Actress din sa 2018 Urduja Film Festival kung saan ka-tie niya sina Odette Khan (Bar Boys) at Yayo Aguila (Kiko Boksingero), para pa rin sa pagganap niya sa Ang Maestra.

Ginanap ang awards ceremony noong nakaraang October 9, 2018 sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan.

Kapag patuloy raw na napapansin ang acting niya, nasasabi raw ni Ms. Gloria na kumpleto na talaga ang buhay niya.

Lahad niya, “Yung pinangarap ko natupad ko lahat.

“Nakapunta ako dito sa Tagalog movies, nakapunta ako sa Europe to represent the Philippines.”

Ipinadala si Ms. Gloria sa Europe para i-represent ang pelikulang Badlis Sa Kinabuhi noong 1969.

Pagbabalik-tanaw niya, “I was sent by the government, the President, kay [Ferdinand] Marcos noon to be a delegate sa Berlin Film Festival.”

Bukod dito ay nakatanggap din siya ng iba-ibang parangal para sa mga pelikulang ginawa niya noon.

“I’m so happy, my life is so complete, fulfilled,” pagpapasalamat niya.

ON NORA'S NATIONAL ARTIST AWARD SNUB

Hiningan namin si Ms. Gloria ng reaksyon sa hindi pagbigay ng National Artist award kay Nora Aunor.

Pahayag niya, “Well, kasi si Nora naman karapat-dapat, pero may ano kasi sila... criteria ang organization.

“Bakit mananalo ka? Baka merong isa o dalawang criteria na hindi nakapasok si Nora.

“Pero magaling na artista si Nora.”

Marami nga ang umangal sa pang-i-snub na ito kay Nora.

Kibit-balikat ni Ms. Gloria, “You cannot please everybody.

“Karapat-dapat siya although may criteria sila, e. Halimbawa, supportive actress ka, ganyan-ganyan.

“Ganun ang ano ko...

“Hindi na dapat ikasama ng loob, because the fact that you were nominated, or I mean, naging entry ka dun sa listahan, is a good thing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal) si Ms. Gloria sa opisina ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Timog Avenue, Quezon City nitong nakaraang Martes, November 6.

ON MTRCB LEADERSHIP

Nanunungkulan siya sa MTRCB bilang Board Member.

Kumusta si Chairwoman Rachel Arenas bilang pinuno ng naturang ahensya?

“Rachel, oh my!

“She’s one of the best chairmen na nagkaroon ang MTRCB.

“Isa na dun, yan si Armida [Siguion-Reyna].

“I was under Armida also, Joe Sison, I was under Joe Sison, pero itong si Rachel magaling siya.

“Magaling, magaling...

“The fact that mahusay siyang magpatakbo sa MTRCB,” pagpuri niya.

Noong bago pa lamang nakaupo si Chairwoman Arenas ay may mga nang-iintriga na masyado raw itong bata para sa posisyon pero pinatunayan naman nitong kaya nito.

Saad niya, “Hindi dahil bata ka, you’re not… hindi ka dapat... no, hindi.

“Give chance to the young people.

“Di ba naging congresswoman siya?

“Mahusay makisama sa mga tao, mahusay siyang makisama.”

VISAYAN FILMS BOOM

Bilang aktres ay si Ms. Gloria ang itinuturing na Queen of Visayan Movies.

“No, hindi naman sa ganoon,” at tumawa ang mahusay na aktres.

Meron bang Visayan Film Festival?

Aniya, “Nagkaroon ng Visayan Film Festival, hindi masyadong…

“Hindi kagaya noon na very active kami sa Visayan films.

“The fact na limited lang ang market namin, and then yun, medyo…

“Nung nawala kami merong nag-dare na gumawa, kasi kami din na mga Visayan mga good actors, good directors, kaya lang walang nag-dare na sumali.”

Ngayon ay malaki na ang market ng Visayas.

Sabi niya, “Ngayon may mga bagong directors na magagaling na from Cebu, may mga artista from Cebu, di ba?

“Sila Kim Chui, sila Pilita [Corrales], sila Gerald Anderson, Vina Morales, Manilyn Reyes.

“Madami, madami.

“If only the Visayan movies will be given a chance again, ang inaano ko madalas palagi na sana bigyan ng pagkakataon, ng chance ang Visayan movies na bigyan ng playdate sa…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabihin sa SM Mindanao.”

Tutal meron na ngayon na mga iba-ibang film festivals.

Dasal niya, “Yes, sana there is Visayas-Mindanao.

“Inaano ko nga, sana na tulungan ang Visayan movies, pag-lessen sa taxes ang Visayan movies, and also give chance ang Visayan movies na bigyan ng playdate ang mga pelikulang Bisaya.

“Sana mabigyan dahil na-kontrol na ang mga playdates, wala na. ”

DUTIES AS MTRCB BOARD MEMBER

Bilang parte ng MTRCB, nagpaliwanag si Ms. Gloria tungkol sa trabaho nila.

Paliwanag niya, “Yung na nga ang ano namin dito, na iba na kasi ang panahon ngayon, e.

“Kagaya ng sabi ko dati, yung pagpapakita [ng mga private body parts] dati pinuputol namin.

“Ito basta hindi na lang graphically violent pinapa-ano namin.

“May mga love scenes na sobrang-sobra na, sasabihin namin kung puwedeng bawasan na, hindi ma-arouse ang audience ba.

“Maraming rape, maraming patayan, lalo na sa TV, we’re very careful dahil ang television it’s a free-wheeling instrument, na ang bata anytime napapanood.

“Kagaya ng G [General Patronage], okay ang mga bata, puwede.

“Pag PG, Parental Guidance, kailangan samahan ng isang adult, isang lola, isang mama, isang ate, isang kuya, to explain to the children na yan hindi puwedeng ganyan, o ganito.

“Ang SPG [Strong Parental Guidance] as much as possible huwag sanang panoorin ng mga bata, kasi sana turuan ang mga bata na manood ng CD kapag Saturday at Sunday na katabi ang mga magulang, lalo na pag SPG.”

Kumbaga they rate, they don’t dictate?

“No, no, we don’t.

“We rate, we classify.

“We do not cut, we just rate,” diin niya.

Matapos ma-rate, nasa producers na raw kung ano ang nais nitong putulin sa kanilang pelikula para mabago ang rating ng kanilang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN