Kelsey Merritt's Victoria's Secret fashion show debut earns Vogue citation

IMAGE @kelseymerritt on Instagram

Pinay model Kelsey Merritt earned special mention in Vogue.com for being the first Filipina to walk Victoria's Secret's runway.


Dream come true para sa Filipina model na si Kelsey Merritt na maging kauna-unahang Pinay na makarampa sa Victoria's Secret Fashion Show (VSFS).

Naganap ang VSFS 2018 sa New York City noong nakaraang November 8 at eere ito sa December 2 on ABC.

Isang unforgettable experience para kay Kelsey ang event na ito kaya nag-share siya sa Instagram ng kanyang kasiyahan.

Nakasabay rumampa ni Kelsey ang mga hinahangaan niyang supermodels na sina Kendall Jenner, Gigi Hadid, Cindy Bruna, Devon Windsor, Leomie Anderson, Shanina Shail, Toni Garrn, Winnie Harlow, Duckie Thot, Maia Cotton, Sofie Rovenstine and Iesha Hodges.

Kasama rin sa show sina Adriana Lima, Candice Swanepoel, Sara Sampaio, Lais Riberio, Josephine Skriver, Stella Maxwell, Jasmine Tookes, Taylor Hill, Romee Strijd and Martha Hunt.

Pinaka-highlight ng VSFS 2018 ang pagrampa ni Elsa Hosk ng US$1M Victoria's Secret Fantasy Bra.

Nabanggit din ang name ni Kelsey sa website article ng Vogue na 'Victoria's Secret Fashion Show 2018: Everything You Need To Know.'

The article wrote: "Also of note is rising star Kelsey Merritt, who made history as the first Filipino woman to walk the runway at the Victoria's Secret Fashion Show."

Pagkatapos ng fashion show ay nagkaroon pa ng pink carpet event para sa lahat ng Victoria's Secret models para humarap sa media at photographers.


Present din sa VSFS 2018 ang boyfriend ni Kelsey na si Conor Dwyer na isang American competition swimmer at Olympic Gold Medalist sa 2012 Summer Olympics.

Proud na proud si Conor na nagkaroon ng kanyang sariling angel wings si Kelsey bilang VS model.

View this post on Instagram

Congrats to my angel ?????? @kelseymerritt

A post shared by Conor Dwyer (@conorjdwyer) on


  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN