Juancho Trivino refuses to comment on Maine Mendoza-Arjo Atayde rumored romance

IMAGE Noel Orsal / Instagram (Credit to the owner)

Juancho Trivino keeps mum when asked about Maine Mendoza being romantically linked to Arjo Atayde. Juancho also speaks up about dealing with bashers.


Umiwas si Juancho Trivino na magbigay ng pahayag tungkol sa napapabalitang ugnayan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Mainit na usapin ngayon sa showbiz ang sunud-sunod na pagkakakita kina Maine, 23, at Arjo, 28, na magkasama.

Noong Oktubre, nakunan ng larawan sina Maine at Arjo habang kumakain sa isang restaurant sa Makati City.

Pagkalipas ng ilang araw ay namataan sila sa isang bar sa Taguig City.

Nito namang Halloween break ay lumabas ang mga larawang nagpapahiwatig na magkasama silang nagbakasyon sa Bali, Indonesia. 

Noong nakarang linggo lamang ay namataan silang magkasamang nanood ng isang concert sa Quezon City.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde party at BGC bar: Date night?
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Makati resto

Ngayong Lunes, Nobyembre 12, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa press conference para sa 23rd anniversary ng Bubble Gang, ang gag show ng GMA-7.

Dito ay sinubukan naming kunan ng reaksiyon si Juancho tungkol kina Maine at Arjo.

Ngunit umiwas ang 25-year-old actor na magsalita ukol dito.

Aniya, “Wala akong reaksiyon doon. I just want to focus on Bubble Gang right now.”

Naging tampulan ng pamba-bash si Juancho noon dahil sa pagkaka-link niya kay Maine.

Nagkasama sila sa teleseryeng Destined To Be Yours (2017), kung saan nabuo ang pagiging magkaibigan nila, kasama ang isa pa nilang co-star na si Sheena Halili.

Pero minasama ng ilang fans ng AlDub (tawag sa tambalang Alden Richards at Maine Mendoza) nang lumabas ang mga larawan nina Maine at Juancho na magkasama sa ilang events.

Ilang beses nang itinanggi nina Maine at Juancho na nagkakamabutihan sila.

Sa isang panayam naman kay Sheena, sinabi nitong “walang isyu” sa pagitan nina Maine at Juancho dahil magkakaibigan lang sila.

Idinagdag din ni Sheena na wala siyang nakikitang masama kung ma-link man ang dalawa dahil mabuting tao si Juancho.


Stories We Are Tracking

Sheena speaks up about Juancho, Arjo being linked to Maine
Sheena speaks up about Juancho, Arjo being linked to Maine
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden

DEALING WITH BASHERS

May mga pagkakataong sumasagot si Juancho sa bashers niya.

Inusisa ng PEP.ph kung paano siya rumesponde sa bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Normal. Siyempre kasi, ano rin naman kasi yun, entitled din naman sila sa opinion nila.

"Entitled rin kami siyempre sa opinyon namin.

“It doesn’t bother me much.

“Pag may oras lang na sumusobra sila, as a human being, dun na tayo sumasagot minsan.”

Paano niya kinokontrol ang sarili?

“Di ko tinitingnan [ang negative comments]. Basketball lang ako.”


Stories We Are Tracking

Juancho Trivino on bashers:
Juancho Trivino on bashers: "Sanay ako dun."
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden
Juancho replies to basher over issue with Maine, Alden

THANKFUL TO BUBBLE GANG

Fifth year na ni Juancho sa Bubble Gang ngayong taon, at malaki ang pasasalamat niya dahil nabigyan siya ng pagkakataong subukan ang comedy.

“Kasi nakita ng mga tao at people of GMA na I can do also comedy, maliban siyempre sa naghe-heavy drama.

"This is also another color I can offer," paliwanag ni Juancho.

May mga pagkakataong hindi regular na napapanood si Juancho sa Bubble Gang, lalo na kapag mayroon siyang teleserye.

Pero masaya siyang lagi siyang may puwang sa gag show.

“This is my fifth year, pero nawawala-wala ako for some times because kapag may teleserye akong ginagawa, dun ang focus muna ng career ko.

“And I’m very thankful for Bubble Gang na binabalik pa rin nila ako even if nag-a-absent ako nang matagal.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN