Ria Atayde neither confirms nor denies Arjo-Maine romance rumors: "He's happy."

IMAGE @ria / @arjoatayde / @mainedcm Instagram

Ria Atayde on brother Arjo's state of mind amid rumors linking him to Maine Mendoza: "He's at a point where he's happy and I'm really happy to see him happy." 


Tila malaman ang naging pahayag ni Ria Atayde hinggil sa espekulasyong nagkakamabutihan na ang kapatid niyang si Arjo Atayde at ang Eat Bulaga! host na si Maine Mendoza. 

Sina Maine at Arjo ay co-stars sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Ayon kay Ria, wala siya sa posisyon upang magdetalye tungkol sa kung anumang nangyayari sa personal na buhay ng kanyang Kuya Arjo. 

Pero saksi raw ang Kapamilya actress sa masayang disposisyon ni Arjo ngayon. 

Pahayag ni Ria sa panayam ng ABS-CBN News Online kahapon, November 11:

"I think he's handling everything well.

"He’s happy naman with everything.

"I guess that’s all I can say—he’s happy.

"He’s at a point where he’s happy and I’m really happy to see him happy.

"That’s all I can share!"

Dagdag ni Ria, siya na mismo ang nagsasabi kay Arjo na ihayag kung may dapat man itong ihayag sa publiko. 

"He will share someday. That’s for him.

"I keep telling him, when he’s ready, he should be the one also." 

Hindi kaila sa mga tagasubaybay nina Maine at Arjo na hati ang reaksiyon ng netizens sa napapadalas na pagkikita ng dalawa mula noong Oktubre. 

Kasama na rito ang diumano'y pagbabakasyon nila sa Bali, Indonesia, kasama ng ilang kaibigan at kaanak nitong nagdaang Halloween break. 

Noong October 22, tila hindi natiis ni Ria ang matinding pambabatikos na natatanggap ni Arjo mula sa netizens na hindi pabor sa binata para kay Maine. 

Pahaging na tweet ni Ria noon, “If a guy and girl are both single, they should be able to date whoever they want.

“And a genuine sign of support is if you let them, if you accept it and if you become happy for them even if they don’t go for the person you’re rooting for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Just my two cents.”

Walang tinukoy na personalidad si Ria.

Sa ngayon, nananatiling tikom ang bibig nina Arjo at Maine sa espekulasyong nagkakamabutihan sila. 

Huling namataan ang dalawa na magkasama sa isang concert sa Quezon City noong November 8. 


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Sammie Rimando confirms breakup with Arjo Atayde
Sammie Rimando confirms breakup with Arjo Atayde
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Maine posts photo in Bali after alleged sighting with Arjo
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?

CURRENTLY SINGLE? 

Sinasabing parehong single ngayon sina Maine at Arjo. 

Ang huling naging karelasyon ni Arjo ay ang GirlTrends member na si Sammie Rimando. 

Mismong si Sammie ang nagkumpirma kamakailan na hiwalay na sila ng Kapamilya actor. 

Huling naugnay kay Maine ay ang Kapuso actor na si Juancho Trivino. 

Noong September 29, naging viral ang panunukso ni Archie Alemania sa diumano'y "smooth-sailing" relationship nina Juancho at Maine. 

Pero sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Juancho noong September 25, nilinaw niyang single pa siya mula nang maghiwalay sila ng non-showbiz girlfriend niya last year. 

Ang kaibigan naman ni Maine na si Sheena Halili ang nagsabing kaibigan lang ni Maine sina Arjo at Juancho. 

Base ito sa panayam ng PEP.ph kay Sheena noong October 17. 


Stories We Are Tracking

Juancho Trivino on bashers:
Juancho Trivino on bashers: "Sanay ako dun."
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Archie Alemania draws flak for linking Juancho to Maine
Sheena speaks up about Juancho, Arjo being linked to Maine
Sheena speaks up about Juancho, Arjo being linked to Maine


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN