Marvel Comics creator Stan Lee dies at 95

IMAGE Evening Standard

Stan Lee, creator of well-loved Marvel superheroes, died on November 12, 2018.


Pumanaw na ang legendary Marvel Comics creator na si Stan Lee sa edad na 95.

Binawian ng buhay si Lee sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California, Lunes ng umaga, November 12 (U.S. time), ayon sa ulat ng The Hollywood Reporter.

Si Lee ay writer, editor, at publisher ng Marvel Comics na itinatag noong 1939.

Siya ang co-creator ng mga kinagigiliwang Marvel superheroes gaya nina Spider-Man, Black Panther, X-Men, Mighty Thor, Iron Man, Fantastic Four, Incredible Hulk, Daredevil, at Ant-Man.

Lahat ng comics characters na ito ay ginawan ng pelikula at naging blockbuster.

Para sa maraming film aficionados, maaalala si Lee sa cameos niya sa halos lahat ng Marvel superhero movies.

Sa social media ay bumuhos ang mensahe ng pakikiramay at pagpupugay sa pumanaw na Marvel Comics creator.

Kabilang sa mga nag-post ng mensahe ang Hollywood stars na gumanap sa Marvel superhero movies, gaya nina Robert Downey Jr. (Iron-Man), Chris Evans (Captain America) at Ryan Reynolds (Deadpool).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN