Angel Locsin says relationship with Neil Arce no longer in "gulatan stage"

IMAGE Rachelle Siazon

Angel Locsin and boyfriend Neil Arce recently came from a U.S. vacation. Since they have been friends long before they got in a relationship, Angel says she and Neil have known each other very well.


Habang nagbabakasyon sila sa Amerika, tinuldukan ni Neil Arce ang balitang hiwalay na sila ni Angel Locsin sa pamamagitan ng isang post sa Instagram.

Nilagyan ni Neil ang larawan nila ng girlfriend ng caption na, "Hey World...look How beautiful my girlfriend is :-) and guess what she's also an Angel!"

Nagkomento naman dito ang aktres at nagbigay ng mensahe na, "Proud to be yours. #nakakaumaynacheesy."

Ayon kay Angel, hindi lang talaga sanay sa mga intriga ang boyfriend kaya hindi nito napigilang sagutin ang isyu.

"Natatawa lang ako sa kanya kasi siguro hindi siya masyadong sanay na may ganung mga issue.

"Parang wala, wala akong reaction kasi hindi naman totoo, di ba?"

Ibinahagi ni Angel na hindi lang pala sila ni Neil ang magkasama sa bakasyon na iyon sa U.S.

"Hindi siya dapat kasi yung vacation na pupuntahan namin. May na-cancel kami na bakasyon.

"Pero iba rin yung experience na ito kasi kasama ko ang best friend ko, yung mga anak niya.

"So, binisita lang talaga namin yung mga mahal namin sa buhay."

Dagdag ng aktres, "[Nagpunta kami sa] Universal Studios, mga pambata, kasi may mga kasama kaming bata na anak ng friends ko.

"Kasama yung family ng best friends ko, 'tapos kami. Sabit kami sa mga lakad nila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angel sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID shoot noong Linggo, November 11.

Marami sa mga magkasintahan ang nagsasabing sa pagbabakasyon nilang magkasama ay higit nilang nakikilala ang isa't isa.

Para naman kay Angel, tapos na raw sila sa puntong may mga bago pa siyang nadi-discover kay Neil dahil matagal na silang magkaibigan, bago pa man sila naging magkarelasyon.

Dagdag pa niya, "Siguro wala na yung gulatan.

"Wala na yung sa gulatan stage, 'Ay, ganun pala siya.' Walang ganun.

"Pero pleasant surprise na hindi naman kami nag-away o ano pa man. Pleasant journey para sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Angel Locsin, Neil Arce mum about rumored split
Angel Locsin, Neil Arce mum about rumored split
Neil Arce posts video with Angel Locsin amid breakup rumors
Neil Arce posts video with Angel Locsin amid breakup rumors
Angel Locsin, Neil Arce on holiday together in U.S.
Angel Locsin, Neil Arce on holiday together in U.S.
Neil Arce breaks silence on rumored breakup with Angel
Neil Arce breaks silence on rumored breakup with Angel

NEW PRIMETIME SERIES

Matagal-tagal na mula nang huling napanood si Angel sa isang teleserye, ngunit ngayong nagkapirmahan na ng memorandum of understanding ang ABS at Armed Forces of the Philippines, tuluy-tuloy na raw taping ng The General's Daughter.

Kuwento ng aktres, "Yeah, nakapag-taping na rin, kahit nung bakasyon nakapag-taping kami.

"Marami na kaming nakunan, pasarado na yung week one then week two.

"We're very happy naman, happy naman ang management."

May pelikula rin ba siyang nakalinyang gawin?

Sagot ni Angel, "Baka itawid ko muna itong teleserye.

"Alam ninyo naman ako, nahihiya akong tumanggap ng ibang trabaho habang mayroon akong commitment.

"Kasi responsibility ko sa show ay always akong available pag kailangan nila ako.

"May mga projects na pinag-uusapan, isisingit na lang kung kailan talaga pupuwede. Pero priority ko talaga is serye.

"Ganun naman ako, e."

Simula nang lumipat sa Kapamilya network ay present si Angel sa lahat ng Christmas station ID shoots ng ABS-CBN.

Para kay Angel, laging magandang karanasan sa kanya na makasama ang mga katrabaho sa Kapamilya network.

"It's a fun experience kasi makikita mo ang mga katrabaho mo, staff, artista, production. Isa siyang special event for all of us."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN