Miss Earth organizers under fire due to data privacy issue

IMAGE Photos from Instagram

The organizers of Miss Earth beauty pageant is now being probed after a candidate, Miss Canada (far left), revealed that her phone number was given to a sponsor without her consent. Miss Earth made it to the headlines after three Miss Earth candidates accused a pageant sponsor of sexual harassment.


Binigyan ng limang araw na palugit ng National Privacy Commission (NPC) ang organizers ng Miss Earth 2018 upang magpaliwanag hinggil sa paglalabas ng personal information ng isa sa mga kandidata ng international beauty pageant.

Ang kandidata ay si Jaime VandenBerg ng Canada na nagrereklamo rin ng sexual harassment laban sa isang pageant sponsor.

Ang Carousel Productions, Inc. ang organizer ng Miss Earth na ginanap dito sa Pilipinas.

Naka-address ang sulat ng NPC sa Carousel executives na sina Ramon Monzon, president, at Lorraine Schuck, executive vice president.

Nitong November 7, nag-post sa Instagram si Miss Canada at inilahad ang naranasan umanong sexual harassment mula sa isang pageant sponsor.

Bahagi ng status ng Miss Earth delegate: “The second day of the pageant I felt uncomfortable because a sponsor from the first night was given my phone number, without my consent, and was calling me asking for my hotel and room number.”

Ito rin daw ang sponsor na humihingi ng “sexual favours.”

Binanggit din ni Miss Canada na kinumpiska ng team manager ang kanyang passport at kumuha ng gamit mula sa kanyang luggage nang walang pahintulot.

NPC’S EVALUATION

Sa liham na ipinadala ng NPC noong November 11, 2018, obligasyon daw ng Carousel na siguraduhin ang pagsunod ng personal information controllers sa data privacy laws.

Ine-evaluate daw ng NPC ang "legality of data processing within Carousel Productions, Inc."

Nakasaad din sa liham na wala raw record sa kanila ng registered personal information controllers ng Carousel, at wala rin daw itong data protection officer na naka-register sa NPC.

Ayon pa sa NPC, walang “information about a duly appointed and functioning data protection officer” sa websites ng Miss Earth at Miss Earth Philippines.

Sabi pa sa liham, “Under the Data Privacy Act, all personal information controllers such as yourselves must abide by principles of transparency, legitimate purpose, and proportionality.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May karapatan din daw ang mga nagmamay-ari ng impormasyon na abisuhan kung saan gagamitin at kanino ibibigay ang kanilang personal information.

NPC REQUIRES EXPLANATION

Binibigyan ng limang araw ng NPC ang Carousel na isumite ang kanilang paliwanag sa isyu.

Kabilang dito ang pangalan ng data protection officer ng Carousel at ang NPC registration details ng organisasyon; at paliwanag hinggil sa disclosure ng phone number ng Miss Earth delegates sa isang sponsor.

Bukod kay Miss Canada, nakaranas din umano ng sexual harassment sina Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Guam Emma Sheedy.


Stories We Are Tracking

More Miss Earth 2018 candidates allege sexual harassment
More Miss Earth 2018 candidates allege sexual harassment
Miss Cuba refutes claims of fellow Miss Earth candidates
Miss Cuba refutes claims of fellow Miss Earth candidates


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN