Kris Aquino slams "delaying tactics" of man who allegedly stole money from her; says, "I HATE THIEVES."

IMAGE Dindo Balares Facebook

Kris Aquino reveals that the person she accused of theft is counter-accusing her of "charming her way" to seek a formal charge of her complaint before San Juan Prosecutor's Office. 


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Inalmahan ni Kris Aquino ang diumano'y delaying tactics at pambabalahura ng taong sinampahan niya ng reklamong qualified theft (QT) sa anim na lungsod ng Metro Manila. 

Ayon kay Kris, inakusahan siya ng respondent na ginagamit niya diumano ang kanyang "charm" upang pormal na makasuhan ito. 

Nalaman daw ni Kris ang impormasyong ito mula sa kanyang abugado, si Attorney Sigfrid Fortun.

Base ito sa official statement ni Kris na natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 13. 

Kalakip nito ang isang bahagi ng text message ni Atty. Fortun sa kliyenteng si Kris.

Sabi rito: “Hi Kris. What do you do if you have no defense to a complaint for QT? Delay! That is the current strategy of N****’s lawyers.

“They are asking for the inhibition of the entire San Juan Prosecutors office. And they may do the same thing for the others, probably even the QC court in the civil case.

“Reason: you are charming your way to get the prosecutors to rule in your favour and secure an indictment of ***.

“Mandaluyong prosecutor asks for your attendance on Thursday, November 15 at 2pm. I will attend that hearing with you.”

Kaugnay pa rin ito ng taong namamahala sa digital company ni Kris at pati na rin sa endorsements ng actress/TV host/social media influencer.

Dati nang nabanggit ni Kris na 16 months silang nagkatrabaho ng taong ito hanggang sa madiskubre niya ang panloloko nito sa kanya sa pera. 

Bagama't hindi pa rin diretsahang pinapangalanan ni Kris kung sino ang nanloko sa kanya, ito ang unang pagkakataong binanggit ng kanyang abugado na nagsisimula sa letrang "N" ang pangalan ng respondent sa reklamo.  

TRIAL BY PUBLICITY

Ipinahayag ni Kris sa PEP.ph through Messenger na ang kasong ito ay ayaw niyang maging paglilitis base sa trial by public opinion, perception, or popularity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero natutunan daw niya, “Kapag ganito kabalahura ang ipapakita, katangahan nang maging disente. Nakakabaliw na pina-inhibit ang buong San Juan prosecutors’ office.”

Sa puntong ito, ibinunyag ni Kris ang posibleng dahilan kung bakit gustong ipa-inhibit ng respondent ang prosecutor ng San Juan City. 

Maaaring may kaugnayan daw ito sa insidente kung saan nakaharap niya at ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ang abugado ng respondent. 

"Because my sons were raised with good manners and they showed respect.

"Hindi ata kinaya nung abugado nung kabila na kahit na pera ng mga anak ko ang pinaglalabanan, automatic kay Kuya Josh na makipag-shake hands bilang pagbigay galang, and normal kay Bimb ang yumakap—kahit sa abugado ng kalaban."

Iginiit ni Kris na hindi niya ginamit ang pagkakataong iyon upang ipakita na maayos ang pakikitungo ng kanyang mga anak sa abugado ng respondent. 

"May pictures bang lumabas na nandun kami?

"Kung ginusto ko na FULL MEDIA COVERAGE—isang tawag lang po and kami na ang laman ng lahat ng traditional and new media, yet I chose to remain proper.”

Ayon kay Kris, ni hindi pa personal na humaharap sa kanya ang taong nireklamo niya ng qualified theft. 

Patuloy daw itong nagtatago sa ibang bansa mula pa noong September 26. 

Napag-alaman din daw ni Kris na dalawang araw lang noong Oktubre bumalik sa bansa ang respondent, pero umalis din ulit. 

Kung nanahimik man noon si Kris, ngayon ay napilitan daw siyang ilahad ang "unedited truth." 

Pahayag ni Kris, “Isn’t it an accepted belief that FLIGHT is already an admission of guilt? Or at least an indication of profound fear?

“You can say many things about me—BUT there must have been something so severe from August to October that occurred for him to now, I am directly quoting his lawyer ‘fear for my client’s life because of threats made my Ms. Aquino’...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am not a killer, but at 12 years old I saw the bloody corpse of an assassinated father.

“I saw his lifeless body lying on the tarmac of our airport on CNN.

"And I survived what would have killed the spirit of so many others."

Wala raw katotohanan ang akusasyong she's "CHARMING HER WAY" to seek an indictment of the complaint filed before San Juan City Prosecutor's Office. 

Galit na saad ni Kris: "Utang na loob, anong klaseng defense ‘yan?

"Bakit nung MILYONES ang commissions na kinikita galing sa akin, kulang na lang lumalakad ako sa tubig sa pambobola at pagpuri sa akin dahil sa binansagan niyang ‘Kris Aquino Magic’?

“Let us set the record straight—by default DILAWAN pa rin po ako dahil Aquino ako.

"Pero dahil wala akong ambisyon na pasukin ang pulitika, madali para sa akin ang maging kaibigan ang buong RAINBOW ng Philippine politics because hindi ako kaagaw sa teritoryo.

“And I am a free spirit, I am motivated not by political parties or alliances BUT BY personal chemistry and my instinct for who is good and trustworthy.

“I have said this repeatedly, RESPECT the memory of my parents, most especially my Mom, and do no harm to my children, show the 3 of us affection, respect, and kindness, and I shall reciprocate with friendship and loyalty.

“But HURT my sons, and I am your lifetime enemy." 

"I HATE THIEVES"

Determinado raw si Kris na ituloy ang reklamo laban sa taong nanloko sa kanya. 

Matapang na pahayag pa ni Kris: "I HATE THIEVES. 

"Because I work to the point of sacrificing my health and I have accepted not having a partner to grow old with—because I will never allow my sons to ever be looked down upon by anybody because they are through no fault of theirs—being raised by a single mom in an unconventional home with no father.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit ba nagalit si Kris? This is the simplest answer. Hindi ako naging salbahe. I was GENEROUS.

“I didn’t just share my millions, I shared the credit for my career’s resurrection... and I shared my 100% trust.

“He had the same signing privileges for our company bank account. He had an equal credit limit for the KCAP credit card regardless that my company is a sole proprietorship.

“GREED made him ungrateful and I was treated like a fool. There was never even an effort to cover his tracks because a BDO credit card paper trail over just a 3 month period when he had the company credit card, including charges for even ?95 cups of coffee were left for me to see because all bills were addressed to my home.

“The lack of decency and the lack of respect for the trust I had given destroyed my faith in my judgment of a man’s moral compass.

“And most of all, he made my 2 sons live through their worst fear—that they could lose their mama in the same way I lost my mom.

“Hindi mababayaran ng millions ‘yung iniyak ng mga anak ko dahil sa takot nilang mawawala ako sa tabi nila.
I made them 1 promise—I would never again let anybody come into our lives who could break their hearts, and I didn’t live up to that.”

Hindi raw matanggap ni Kris ang diumano'y kabalahuraan ng respondent, lalo na noong sinubukan nilang idaan sa settlement ang sigalot sa pagitan nila. 

"5 times po kaming sumubok to come to an amicable and fair settlement, every single time, they came up with an unrealistic demand.

"It is a testament to the hubris of this man and how he can manipulate the truth to suit his purposes.

“In what universe is it that the accused feels he can call the shots?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I prayed about this, as a mother I want to shield my sons from further stress—but as a human being—MAGKAUBUSUAN NA NG YAMAN (tutal, hindi nakaw ‘yung akin). I AM DONE.

“Hindi ako ipinanganak para magpaapak lamang sa taong sinira na ang kanyang pangkatao.

“Itapon na nila lahat ng putik nila. Kung may naituro na sa kin ang buhay, bakit ako matatakot sa taong hindi nga makabalik para harapin ang mga kaso niya sa kanyang lupang sinilangan?

“Let history speak for itself — from August 1983, when my father’s blood flowed on the tarmac of the airport now carrying his name, we NEVER left.

“So I challenge this man—I believe you need some ‘balls,’ you no longer have to steal some of mine—I am willing to share because I have much more than i need—they are now ready to be flown to Thailand...

“I am sure Secretary Teddyboy Locsin can help facilitate the delivery care of the Philippine consulate." 

At press time, wala pang opisyal na pahayag ang kampo ng taong sinampahan ng qualified theft ni Kris.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.



Stories We Are Tracking

Is Kris Aquino ready to forgive person she accused of theft?
Is Kris Aquino ready to forgive person she accused of theft?
Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities
Kris Aquino files qualified theft complaint in 7 cities
Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris Aquino reveals she has chronic spontaneous urticaria
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser
Kris set to return to work; refuses to name financial abuser






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN