Toni Gonzaga: "I deserve a complete family that I have right now."

IMAGE @celestinegonzaga Instagram

Toni Gonzaga on healthy sex life with husband Paul Soriano: "Parang instinct na lang siguro yun, body language na lang siguro. Wag na siguro magkasalitaan. Magpakiramdaman na lang."



Inihayag ni Toni Gonzaga na mataas ang pagpapahalaga niya sa pagsasama nila ni Paul Soriano bilang mag-asawa. 

Lalo na't nasa punto raw siya ng kanyang buhay na No. 1 priority ang pamilya kaysa showbiz career o anupamang pansariling kagustuhan. 

Sabi ni Toni, "I feel like I deserve a complete family that I have right now.

"Because I worked so hard all my life, I tried to be a good person. Feeling ko parang yun naman yung deserve ko in life.

"Kapag nag-asawa ako hanggang sa lumaki ang mga anak ko, buo ang pamilya.

"Na hindi maging broken yung marriage, hindi maging broken yung home.

"Na lumaki si Seve na buo yung pamilya niya.

"Because I grew up witnessing that. My parents fought hard to be together. So, I feel like Seve deserves that." 

Naniniwala ba siyang ipinaglalaban ang isang marriage? 

Sagot ni Toni, "Yes. You fight to be together. You fight talaga. You fight for it."

Nakapanayam si Toni ng TV host na si Boy Abunda sa kanyang ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda, November 13, Martes.

Hindi kaila sa publiko na minsang nasangkot ang mag-asawang Paul at Toni sa kontrobersiyang may kinalaman sa third party. 

Hindi ito nabanggit sa panayam. 

Pero diretsahang tinanong ni Boy si Toni kung "loyal" husband ba si Paul. 

Agad na sagot ni Toni, "Yes, he is." 

Bilang misis ni Paul, masasabi rin daw niya na faithful wife siya. 

"There's no reason for me to look the other way.

"Hindi ako nagsasalita ng period kasi baka dumating ang point i-test kami ni God—na ayaw ko na dumating yung point na 'yon.

"Pero sa ngayon, parang there's no way for me to look the other way.

"Kasi I'm so occupied with Seve, and I'm so occupied in building our family, and there's so many dreams that we're building together na ayaw kong masira."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero 'tulad ng ibang married couples, ipinahiwatig ni Toni na hindi rin perpekto ang pagsasama nila ni Paul. 

Nang mapag-usapan ang "pain threshold" ni Toni sa aspeto ng pag-ibig, sabi ng actress-TV host: 

"I allow room for mistakes. I have allowance for mistakes.

"Sabi ng mommy ko yun, 'Don't be too hard on your husband. Learn how to love your husband. Not just during the best of times but during the worst.'"

Aminado naman si Toni na siya yung tipong hindi masalita, kaya kung minsan ay nagiging problema nila ito ni Paul. 

"That was my biggest problem in the beginning. I do not talk. Di ba, nga I'm a listener and an observer," pag-amin ni Toni. 

Pero dagdag din niya, "I learned how to communicate my feelings.

"Because I always felt na if I say what I feel, baka maka-hurt pa.

"Hindi pala—the more you will be hurt if you don't communicate how you feel." 

Pagdating sa usaping sex ng mag-asawa ay natatawang inilarawan ni Toni na gamay na nila ni Paul ang isa't isa. 

"Walang communication, e," nakangiting sabi ni Toni. 

"I think we've reached a point sa marriage namin... parang instinct na lang siguro yun, body language na lang siguro.

"'Wag na siguro magkasalitaan. Magpakiramdaman na lang." 

Tatlong taon nang mag-asawa sina Paul at Toni, na ipinagdiwang ang kanilang anniversary noong June 12. 

Eight years mula silang magkasintahan bago nagpakasal. 

Mayroon na silang dalawang taong gulang na anak na lalaki, si Seve. 



ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN