Ruru Madrid, Bianca Umali spotted together in Siargao

IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owner)

Photos of Kapuso stars Ruru Madrid and Bianca Umali vacationing in Siargao fuel speculations that they are already in a relationship. 


Magkasamang nagbakasyon sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa isang beach noong Halloween break.

Base sa mga larawang ipinost ng isang netizen sa Facebook noong Sabado, November 3, makikitang may mga kasamang hindi taga-showbiz sina Bianca at Ruru.

Nakasaad din sa caption ng post na nagbakasyon ang dalawa sa isang white-sand beach sa Platil, Siargao Island.

Sabi pa ng netizen, nag-island hopping at nag-surf ang rumored Kapuso couple. 

Patunay nito ang litrato kung saan nakatungtong sina Bianca at Ruru sa surfboards para sa kani-kanilang surfing lesson. 

 IMAGE Credit to the owner
 IMAGE Credit to the owner

Ngunit ilang oras lang pagkatapos makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Facebook post ng netizen, tila binura na ang mga larawan ng dalawang Kapuso stars. 

PREVIOUS PROOFS

Hindi ito ang unang pagkakataong namataan ang dalawang Kapuso stars na magkasamang nagbakasyon.

Noong October 22, 2018, namataan silang magkasama sa isang restobar sa Nagoya, Japan.

Bagamat umiwas ang dalawa makunan ng larawan nang magkasama sa Japan trip, isang netizen ang nagpakuha kina Ruru at Bianca nang magkahiwalay pero sa parehong okasyon. 

May mga kumalat ding posts ng matching tattoos ng dalawa: rose stencil sa left forearm ni Bianca at hugis rosas sa kanang braso ni Ruru.


Stories We Are Tracking

Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?
Ruru Madrid, Bianca Umali spotted in Japan: Are they on?

Ang huling napabalitang nakarelasyon ni Bianca ay si Miguel Tanfelix na kanya ring ka-love team.

Na-link naman si Ruru kay Asia’s Next Top Model Cycle 5 winner Maureen Wroblewritz, pero nilinaw ng aktor na magkaibigan lang sila.


Stories We Are Tracking

Ruru reveals real score with Maureen
Ruru reveals real score with Maureen

Samantala, sa Twitter account na @rucaumadrid1, ipinost ng netizen ang diumano’y mga indikasyong may espesyal na namamagitan sa dalawa.

Kabilang na rito ang pagkakaroon ng matching crescent moon necklaces ng dalawa.

May isa pang kuha kung saan makikita si Ruru na hinahalikan sa ulo si Bianca.

Sa kabila nito, wala pang direktang pag-amin ang dalawa kung may namamagitan nga ba sa kanila higit sa pagiging magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN