Dennis Trillo admires family life of co-star Dingdong Dantes

IMAGE Noel Orsal

Dennis Trillo admits he aspires for a family life like the one Cain and Abel co-star Dingdong Dantes has now. "Gusto kong tularan yung career niya kasi alam kong pinaghirapan niya yun kung nasaan man siya ngayon. Marami siyang magagandang ginagawa, yung mga foundation niya. Gusto ko rin magkaroon ng isang beautiful, magandang pamilya na tulad ng sa kanya."


Dalawang tinaguriang “hari” ng GMA-7, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes at ang Drama King na si Dennis Trillo, ang nagsanib-puwersa para sa bagong prime-time series na Cain at Abel.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis sa grand press conference ng Cain at Abel sa Prime Hotel noong November 13, ibinahagi nito ang saya nang malaman ang proyektong pagsasamahan nila ni Dingdong.

“Sobrang excited at halos hindi ako makatulog noong malaman ko na magkakaroon ako ng ganitong project.

"Lalung-lalo na kasama ang Primetime King, Dingdong Dantes."

Kung si Dingdong ang Kapuso Primetime King, siya naman ang tinaguriang Drama King.

Reaksiyon dito ni Dennis, “Well, sa tingin ko, kung meron man tatawaging hari rito, si Dingdong Dantes lang yun.

"Matagal ko na siyang hinahangaan, idolo, career-wise, sa buhay niya. 

“Noong malaman ko na makakatrabaho ko siya at nalaman kong ganitong genre ang gagawin namin, action, drama, talagang sabi ko, dream come true! At maaaring hindi na ito mangyari ulit.”

Natawa naman si Dennis nang iparating namin sa kanya ang sinabi ni Dingdong na kabado rin ito sa kanya. Na takot daw itong magkamali kapag eksena nila dahil Dennis Trillo ang kaeksena niya.

“Pareho lang kami,” mabilis na sagot ni Dennis.

“Siyempre, director level ang kaeksena ko. Alam kong makilatis siya sa mga eksena.

"Pero talagang wala siyang ibang ipinakita kung hindi professionalism at siguro yung pagiging metikuloso niya rin bilang isang director.

“Perfect talaga itong collaboration namin.”

Hindi ang Cain at Abel ang unang teleseryeng pinagsamahan nina Dennis, 37, at Dingdong, 38.

Nagkasama na sila sa Twin Hearts (2003), Etheria (2006), at Endless Love (2010).

Pero ayon kay Dennis, ngayon lang sila nagsama bilang parehong mga bida at sa ganitong istorya.

Dagdag niya, “Perfect timing talaga... sa tingin ko kung maaga namin itong ginawa, baka hilaw pa kaming pareho.

"Pero ngayong marami na kaming pinagdaanan sa buhay, sa mga careers namin, mga trabaho, mga natutunan namin sa ibang mga katrabaho, ngayon naman natututo kami sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREPARING FOR THE FUTURE

Kung si Dingdong ay isang family man na, si Dennis naman ay mukhang seryosohan na talaga sa relasyon nila ng girlfriend na si Jennylyn Mercado.

“Noon pa naman, seryoso na talaga!” natawang sabi niya.

Kay Jennylyn?

“Kay Jen!” nakangiting sagot niya.

Napag-uusapan ba nila ni Dingdong ang mga ganung personal na bagay?

“Paminsan-minsan,” pakli niya.

“Siyempre, sa taping kapag walang ginagawa, kung anu-ano ang napag-uusapan.”

Nakikita rin ba niya ang sarili na magkakaroon din ng pamilya gaya ni Dingdong?

Sagot ni Dennis, “Gusto kong tularan yung career niya kasi alam kong pinaghirapan niya yun kung nasaan man siya ngayon.

"Marami siyang magagandang ginagawa, yung mga foundation niya.

“Gusto ko rin magkaroon ng isang beautiful, magandang pamilya na tulad ng sa kanya.”

Magkasosyo ngayon sa negosyo sina Jennylyn at Dennis, ang Chunky Dough cookies.

Paghahanda na rin ba nila ito sa kinabukasan?

Ayon kay Dennis, “Siyempre suportado ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin.

"Natutuwa ako na meron siyang ganun dahil hindi naman kami palaging artista buong buhay namin.

“Natutuwa ako na meron kaming ginagawang paghahanda para sa future namin.”

Siyempre sa lahat, puwedeng sabihin na si Dennis ang unang pinatikim ni Jennylyn ng cookie niya.

“Ako talaga!” natawang sagot naman ni Dennis.

“Iba kasi siya, yung pagbi-bake niya, may halong pagmamahal talaga.

“Hindi lang siya para makabenta. Gusto niyang ma-experience yung gawa niya mula talaga sa pagiging hands-on.”

RATINGS GAME

Ang Cain at Abel ay magiging katapat ng ABS-CBN primetime series na Ang Probinsyano, na ilang taon nang namamayagpag sa ere.

Sina Dennios at Dingdong ang tila nagsasanib-puwersa na matapatan ito ngayon.

May pressure ba?

“Matinding pressure talaga,” pag-amin ni Dennis.

“Pero noong umpisa, hindi naman namin alam kung saan timeslot kami ilalagay.

"Sa ganoong pag-iisip namin, talagang pinilit namin na makapag-produce ng quality na programa na kahit saan timeslot pa kami ilagay, kahit anong itapat na show, e, tatayo at lalaban pa rin kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano kahalaga ang ratings sa kanila ngayon?

“Well, hindi kami umaasa na matatalo namin.

"Ang gusto lang namin ay makapag-offer ng programa, alternatibong programa para sa mga tao na manonood at naghihintay ng bagong aabangan sa telebisyon.” 

Sabi pa niya, “Ngayon, ang dami ng magagandang contents sa Netflix, iFlix, videos. So gusto namin na makapanood sila ng ganung quality sa TV.”

Bukod kina Mark Reyes at Don Michael Perez, kasama rin sa direktor ng Cain at Abel si Toto Natividad na siguradong siyang magdidirek ng action scenes.

May kumpiyansa ba si Dennis na ang Cain at Abel ay siguradong lalaban sa larangan ng action? 

“Action, drama, ayoko po siyang i-level na isang genre lang.

"Bawat eksena rito, mapa-drama man or action, talagang intense namin na binubuo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN