Nicko Falcis asks for dismissal, consolidation, or suspension of Kris Aquino complaint

IMAGE Instagram

Nicko Falcis submits omnibus motion in response to Kris Aquino's qualified theft complaint against him.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Hinihiling ng kampo ni Nicardo Falcis II, aka Nicko Falcis, na i-dismiss, i-consolidate, o isuspende ang 44 counts of qualified theft complaint na inihain ni Kris Aquino laban sa kanya.

Si Nicko, 35, ay dating managing director ng Kris C. Aquino Productions (KCAP), ang production organization na pagmamay-ari ng TV host/actress/social media influencer.

Inihain ni Kris, 48, ang qualified theft complaint niya laban kay Nicko sa Office of the Prosecutor ng Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila, noong October 12.

Inaakusahan ni Kris si Nicko ng pagnanakaw ng halagang PHP1.27 million mula sa credit card ng KCAP.

Humihingi ang kampo ni Kris ng halos PHP33 million danyos mula kay Nicko.

Isinumite naman ni Nicko ang kanyang Omnibus Motion sa Office of the Prosecutor ng Pasig noong November 12, Lunes.

Sa kanya mosyon, mariing pinabulaanan ng kampo ni Nicko ang mga alegasyon ni Kris.

Wala raw itong basehan.

FORUM SHOPPING

Ang pagpa-file daw ni Kris ng parehong reklamo sa iba't ibang lungsod ay malinaw na kaso ng "forum-shopping."

Base sa ruling ng Supreme Court sa kaso ng National Electrification Administration vs Buenaventura noong 2008, ang forum-shopping ay nangyayari "when as a result of an adverse decision in one forum, or in anticipation thereof, a party seeks a favorable opinion in another forum through means other than appeal or certiorari."

Hindi pinahihintulutan ang forum shopping dahil malinaw na pagbabakasali ito na kundi man magwagi sa isang korte ay may chance manalo sa iba.

Dahil daw rito, dapat i-dismiss ang reklamo ni Kris laban kay Nicko.

CONSOLIDATE AND TRANSFER TO DOJ

Isa pang alternatibong hinihiling ng kampo ni Nicko ay ang pagko-consolidate o pagsasama-sama ng mga reklamong inihain ni Kris, at paglipat ng mga ito mula sa City of Prosecutor sa Department of Justice "for proper disposition."

Ginagawa ang consolidation sa mga reklamo o kaso "to avoid the possibility of conflicting decisions being rendered that will not serve the orderly administration of justice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXISTING PREJUDICIAL QUESTION

Hinihiling din ng kampo ni Nicko na suspendihin ang mga reklamong inihain ni Kris dahil sa "existing prejudicial question."

Ang prejudicial question, base sa nakasaad sa Omnibus Motion ni Nicko, ay: "one, the resolution of which is a logical antecedent of the issues involved in a case and the cognizance of which pertains to another tribunal."

May kinalaman ito sa legalidad ng paggamit ng credit card ng KCAP, na nasa pangalan ni Nicko.

Nakasalang pa raw ang isyung ito, na may malaking epekto sa kabuuan ng legal battle, kaya dapat suspendihin muna ang mga inireklamo pa ni Kris.

TRUTH BY HIS SIDE

Samantala, sa unang bahagi ng mosyon ni Nicko ay kapansin-pansin ang mensaheng ito mula sa kanya:

"She may have powerful friends and an army of lawyers, I may not have been born with either a silver spoon, or political pedigree; but I refuse to be bullied into silence any longer. No Filipino should be, regardless of stature. I have powerful truth by my side. We both know that."

Kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa si Nicko, at hindi umano makauwi dahil sa pagbabanta ni Kris sa buhay niya. 

Kahapon ng umaga, November 15, humarap sa media ang kanyang nakababatang kapatid na si Atty. Jesus Falcis upang ibigay ang panig ng kapatid at ng pamilya Falcis.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN