Jasmine Curtis-Smith takes a swipe at PNP over Ang Probinsyano issue

IMAGE Noel Orsal / Photo from ABS-CBN

Pamilya Roces actress Jasmine Curtis-Smith (left) hits the Philippine National Police for complaining that Coco Martin's teleserye, FPJ's Ang Probinsyano, is creating a "bad image" for the men in uniform.


Nag-react ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith sa pagpuna ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Reklamo ni Albayalde, nabibigyan umano ng “bad image” ang kapulisan dahil sa takbo ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa istorya, kontrabida ang karakter ni Soliman Cruz bilang si PNP Chief Alejandro Terante.

Kaugnay nito, isang patama sa mga awtoridad ang ipinost ni Jasmine sa Twitter kahapon, November 15.

Mensahe ng 24-year-old actress, “First was Goyo and a politician. Now it's a TV series and the PNP. Authorities want tv and film to show 'better' things about them...... Hah”

Kalakip ng tweet ni Jasmine ang link sa report kung saan sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na naapektuhan umano ang moral ng mga pulis dahil sa masamang imahe nila sa Ang Probinsyano.

Kaugnay pa rin ng isyung ito, naglabas na ng official statement ang ABS-CBN upang linawing “purely fictitious” ang mga karakter sa Ang Probinsyano.

Humingi rin ng paumanhin si Coco kay General Albayalde, kasabay ng kagustuhang makipag-usap sa PNP para linawin ang mga bagay-bagay.

Samantala, ang tinutukoy ni Jasmine na "Goyo and a politician" sa kanyang tweet ay may kinalaman sa pagre-react noon ni Senior Minority Deputy Leader Jose “Lito” Atienza Jr. sa historical movie na Goyo: Ang Batang Heneral.

Hindi nagustuhan ni Atienza ang portrayal sa mga Pilipinong sundalo sa pelikula dahil pinagmukha umano silang duwag.


Stories We Are Tracking

Coco Martin to PNP:
Coco Martin to PNP: "Ako mismo humihingi ng paumanhin."
Ang Probinsyano gives
Ang Probinsyano gives "bad impression" of cops, says PNP


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN