Lawyer Jesus Falcis rips rumors his brother Nicko has showbiz boytoy

IMAGE Courtesy: Nicko Falcis on Facebook

Atty. Jesus Falcis III (left) laughs off rumors that his brother Nicko Falcis (right) is supporting a male celebrity financially.


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Pinagtatawanan ni Atty. Jesus “Jess” Falcis III ang mga kuwento-kuwento na ang kanyang kuya, si Nicardo “Nicko” Falcis II, ay may kalaguyong male celebrity.

Si Nicko ang respondent sa 44 counts of qualified theft complaint na inihain ni Kris Aquino sa Office of the City Prosecutor ng Quezon City, San Juan, Mandaluyong, Pasig, Makati, Taguig, at Manila.

Dating managing director si Nicko ng Kris C. Aquino Productions (KCAP), ang production company na pagmamay-ari ni Kris.

Ito ay may kaugnayan sa unauthorized credit-card transactions diumano ni Nicko na umabot sa halos PHP1.27M. 

Humihingi ng danyos ang kampo ni Kris ng halos PHP33M.

Nang lumabas ang usap-usapang si Nicko ang tinutukoy ni Kris sa kanyang Instagram posts, na nanloko raw sa kanya pagdating sa pera, lumutang na ang mga haka-haka tungkol sa mga osibleng dahilan.

Isang lumutang na espekulasyon ay may sinusustentuhan diumanong artistang lalaki si Nicko, at malaking halaga raw ang ibinibigay niya rito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Falcis sa isang coffee shop sa Quezon City kahapon, November 15.

Pagkatapos basahin nito ang official statement ng pamilya Falcis, hinarap naman ni Atty. Falcis ang iba pang isyu kaugnay ng reklamong kinahaharap ni Nicko.

Isa na rito ang espekulasyong may sinusutentuhan daw si Nicko na male celebrity.

Reaksiyon ni Atty. Falcis tungkol dito, “Nakakatawa. Iyan, naku, iiyak ako sa tawa niyan, e.

"Maiiyak ako sa tawa niyan."

Biro pa niya, “Ang ganda pala ng kuya ko. May artista pala na dyowa-dyowaan!”

Ngunit seryosong dagdag ni Atty. Falcis, kung nakikita man ng publiko na nakakaalagwa sa buhay ang kapatid na si Nicko, ito ay dahil sa sarili nitong pagsisikap at hindi galing sa pera ng iba.

Patutsada pa niya, “Uy, naku, tigilan ako ni Miss Aquino o kung sinuman dahil, before pa my brother worked for Miss Aquino, he was self-made. That’s why Miss Aquino got him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kris Aquino did not make my brother.

"If I may say, and be a proud brother, my brother helped Miss Aquino a lot.”

Sa tingin ba ni Atty. Falcis ay nagsisisi ang kanyang kuya na nakilala nito si Kris?

Seryosong sagot ng abugado, “Parang hindi ko pa iyan natanong sa kanya. Pero, ako, nagsisisi ako for him.

"Because I have always told my brother na, 'Be careful, it’s not easy to work for people like them.'

“Because, of course, iba ang buhay ng ganung buhay, ‘no—and again this is just me madaldal, kasing daldal ni Miss Aquino.

“Ako, ang sagot ko, kasi hindi ko natanong si Kuya, nagsisi ako.”

WATCH: Official statement of Nicko Falcis on Kris Aquino's accusations


Stories We Are Tracking

Nicko Falcis to Kris Aquino:
Nicko Falcis to Kris Aquino: "There's nothing stolen."
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN