Jak Roberto willing to do more topless scenes 'hanggang masaya sila'

IMAGE Noel Orsal

Jak Roberto says he does not intend to stop going topless in TV projects: "Dun ako nakilala, e."


Hindi isyu kay Jak Roberto na ma-typecast na laging naka-topless.

Sabi ng 24-anyos na Kapuso actor, gagawin niya ang pagpapakita ng abs hangga’t nabibigyan siya ng trabaho.

“Nag-start naman talaga ako naka-topless. Dito sa Bubble Gang, naging regular ako dahil sa lifeguard na naka-topless.

“Kumbaga, naging stepping stone ko talaga yung abs," paliwanag ni Jak sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 23rd anniversary presscon ng Kapuso gag show, November 12.

Nabanggit din ni Jak ang pagiging topless sa regular show niya na Dear Uge, ang weekend comedy anthology na pinangungunahan ni Eugene Domingo.

Ano ang pakiramdam na naa-identify siya dahil sa pagta-topless at pagpapakita ng abs?

“Okay naman sa akin yun. Mas namu-motivate ako na i-maintain.

“Mas maraming nai-inspire na tinatanong ako kung ano yung workout, ano yung diet.

“Minsan nga, naiisip ko gumawa ng fitness blog.”  

Dugtong ni Jak, “As long as binibigyan ako ng work dahil sa pagta-topless ko, tatanggapin ko yun.”

“HANGGANG MASAYA SILA.”

Hindi rin daw niya naiisip tumigil sa pagpapakita ng katawan sa projects or shows.

Pahayag ni Jak, “Hindi ko siya aalisin sa 'kin. Ako mismo, hindi ko siya aalisin dahil dun ako nakilala, e.

“Kumbaga, darating naman talaga yung time na magsasawa yung tao.

"Na sila na mismo magsasabi, ‘Huwag niyo nang paghubarin si Jak!’”

Pero hangga’t gusto pa raw ng tao, gagawin pa rin niya.

“Minsan, pag nakikita nila na hindi mo na kailangan, unti-unti namang mawawala yun.

“Kumbaga, huwag mo lang… ‘Ayoko nang maghubad. Gusto ko muna umarte,’ ganyan.

“Hanggang masaya sila, hanggang sa nakaka-inspire ako ng tao, nandyan pa rin siya.”  

THREE YEARS WITH BUBBLE GANG

Ito na nag pangatlong taon ni Jak sa Bubble Gang.

“So far, yung experience ko dito, isa ito sa mga pinaka-love ko na show.

"Dahil nabibigyan ako ng chance para naman sa comedy,” pagmamalaki ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga nalalaro-laro ko yung mga pwede kong gawin.

"At the same time, ang turingan kasi dito talaga parang magkakapatid.

"Walang naghihilahan pababa.”

Ayon kay Jak, nag-e-effort din ang show na laging may maibigay na bago sa televiewers.

“Ang viewers ng Bubble Gang, sobrang lawak. Tumagal siya ng 23 years dahil sa dami ng viewers.

“Kasi nga nag-a-upgrade nang nag-a-upgrade ang way ng pagpapatawa ng Bubble Gang.

“Halimbawa, kung ano yung umuusong term, kung ano yung mga umuusong joke...

"May mga nagva-viral sa social media, yun ang ginagawa namin dito.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN