Kakai Bautista reacts to CHED order removing Filipino as required subject in college

IMAGE Noel Orsal

Kakai Bautista: "OK lang ituro sa atin lahat ng lenguaheng banyaga, WAG lang tanggalin ang karapatan nating matutunan ang Tamang panitikan at wikang Pilipino."


Nakipagtalakayan ang comedienne-singer na si Kakai Bautista sa ilang followers niya sa Twitter kaugnay ng hakbang ng Commission on Higher Education (CHED) na tanggalin ang Filipino, Panitikan, at Philippine Constitution bilang subjects sa kolehiyo.

Sa halip na Filipino, ipapalit dito ang foreign language subjects gaya ng Korean.

Hindi pa ito naipatutupad dahil hinihintay pa ng CHED ang desisyon ng Supreme Court, sa gitna ng pagtutol ng ilang sektor.

Noong Martes, November 13, sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng reaksiyon si Kakai sa hakbang na ito ng CHED.

Kalakip ang isang editorial cartoon, ito ang mensahe ng comedienne-singer:

"Oo we love Korea, Koreans. Their telenovelas, their food. Their pop superstars.

"I don’t hate them. I am actually a fan.

"PERO sana po @PhCHED wag naman nating gawin to. Pls. don’t let them invade our own culture.

"Cut Panitikan to teach korean language. NO!!!"

Sa sumunod niyang tweet ay humingi ng paliwanag si Kakai mula sa CHED.

Aniya, "PAKI-EXPLAIN naman po ng maayos.@PhCHED yung maiintindihan ng Masa at mga nakakaluwag-luwag.

"Minsan kase kayo lang ang nakakaintindi."

Dagdag pa ni Kakai, "Buti pa ang Japan mahal nila ang Wika nila. Tingnan nyo, Ang UNLAD nila."

Isang netizen naman ang nagbigay ng opinyon at sinabing dapat noon pa itinuro sa grade school ang foreign languages para mapalapit tayo sa mga kalapit na bansa.

Reaksiyon dito ni Kakai, "OK lang ituro sa atin lahat ng lenguaheng banyaga, WAG lang tanggalin ang karapatan nating matutunan ang Tamang panitikan at wikang Pilipino.

"WAG. HINDI TAMA. BAKET?! hindi ko maintindihan. Hindi."

THE EXCHANGE

Kasunod na sinagot ni Kakai ang Twitter user na nagsabing suportado nito ang pagtuturo ng Korean sa ating mga eskuwelahan.

Kinontra ito ni Kakai.

Aniya, "No. I will not support that.

"Kung meron mang language na dapat aralib natin ng lubos ay ang sariling atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"BAKET? Kase PILIPINO Tayo.

"Nakakalungkot nga eh. PILIPINO tayo, pero mas maraming bumabagsak sa subject na yan.

"BAKET? kase may mga taong katulad mo."

Dagdag pa niya, "Kung ayaw nyo sa wikang Pilipino, I suggest magpalit na kayo ng Nationality, or lumipat kayo sa KOREA para Fair.

"Wag kayong kakain ng sinigang or adobo. Wag kang magtatagalog kase balimbing ka.

"Ipapatanggal mo habang ginagamit mo araw-araw? GALING."

Dito na nagsimulang uminit ang talakayan sa pagitan ni Kakai at ng nasabing netizen.

Buwelta ng netizen, "Hahaha. Maraming bumabagsak dahil sa katulad ko? Talaga?

"Silakbo lang nang damdamin yan. Wala ka naman datos and pananaliksik na basehan para sabihin yan. Lol. 

"Sariling atin? Tagalog. Haha.

"Maraming Major Regional Languages na deserved nang malalim na pagaaral."

Mas pinaigting ni Kakai ang kanyang opinyon kontra sa paniniwala ng netizen.

Diin ng comedienne-singer, "Katulad mo na hindi naniniwala sa sariling wika. Mga impluwensya na sang-ayon na tanggalin.

"At di mo na kailangan pang sabihin sa akin na maraming pang DESERVE na regional dialects or language na kailangan mas tuunan ng pansin."

Dagdag ni Kakai, "Pakinggan mo ang sarili mo, NASAN ba ang mga rehiyon na yan? NASA PILIPINAS di ba?

"Kung hahayaan natin mawalan ng bisa ang pag-aaral ng wikang Pilipino eh may posibilidad ding di na yan pahalagahan.

"Medyo, malabo ang pinaglalaban mong punto."

Tugon naman ng netizen, “Hindi naniniwala sa sariling wika? Speculative ka dear.”

Naputol ang argumento ni Kakai at ng netizen nang sumingit ang isa pang follower ng komedyana.

Suhestiyon nito ay ituro ang dialect sa iba’t ibang parte ng Pilipinas kaysa sa Korean language.

Sumang-ayon naman dito si Kakai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN