Regine Velasquez on bashing about network transfer: "If I was Marian Rivera, I would understand."

IMAGE ABS-CBN (Screengrab from Tonight With Boy Abunda)

Regine Velasquez admits getting upset over the bashing she received after leaving GMA-7 and transferring to ABS-CBN. "Not a lot of people know that in my 20 years in GMA, kalahati noon, wala akong kontrata. Hindi ko naintindihan kung bakit wala akong utang na loob when my 20 years—half of that—I didn't have a contract because I wanted to be with them."

 


Aminado si Regine Velasquez na inaasahan na niyang maraming babatikos sa kanyang paglipat ng istasyon.

Oktubre 2018 nang pumirma si Regine ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN, pagkatapos maging bahagi ng GMA-7 sa loob ng 20 taon.

Pagkatapos nito ay nakatanggap si Regine ng pamba-bash mula sa netizens, na dumating sa puntong nag-isip siyang gumawa ng aksyon para labanan ang cyberbullying na nararanasan.

Sa guest appearance ni Regine sa Tonight With Boy Abunda na inere kagabi, November 16, tinanong siya ng TV host na si Boy Abunda kung ano ang reaksyon niya sa mga tumawag sa kanyang "walang utang na loob, laos, plastik, at inggrata."

Bagama't inasahan niya ang pamba-bash, sinabi ng Asia's Songbird na hindi niya inasahang magiging big deal ang kanyang paglipat.

Saad niya, "Actually, Tito Boy, sa totoo lang, expected ko yun.

"Ang hindi ko expected was for the whole thing to be such a big deal.

"I mean if I was Marian Rivera, I would understand. But I’m just Regine Velasquez."

Si Marian Rivera ang itinuturing na Primetime Queen ng Kapuso network, matapos niyang magbida sa malalaking proyekto ng istasyon tulad ng MariMar (2007), Dyesebel (2008), at Amaya (2011).

REGINE ON "WALANG UTANG NA LOOB" COMMENTS

Sumunod na tanong ni Boy, saan pinakanapikon si Regine sa lahat ng nakuha niyang pamba-bash?

Tugon ni Regine, "Pinakanapikon? Sa walang utang na loob.

"Not a lot of people know that in my 20 years in GMA, kalahati noon, wala akong kontrata.

"Hindi ko naintindihan kung bakit wala akong utang na loob when my 20 years—half of that—I didn’t have a contract because I wanted to be with them."

Taong 1998 nang maging Kapuso si Regine, nang maging regular host ngSunday variety show na SOP.

Bagama't nakakagawa siya ng maraming proyekto sa GMA, hindi siya exclusive artist nito.

Makalipas ang sampung taon, noong 2008 ay muntik nang lumipat si Regine sa ABS-CBN, subalit hindi ito natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip ay sa kauna-unahang pagkakataon, pumirma si Regine ng exclusive contract sa GMA-7 at nanatili siyang Kapuso ng sampu pang taon.

SECOND WIND

Naiyak naman si Regine nang sabihin sa kanya ni Tito Boy na pinagtrabahuhan at pinaghirapan ni Regine kung ano man ang tagumpay na nakuha niya ngayon.

Sabi naman ni Regine tungkol dito, "Pero alam mo, looking back, it was not easy, you said gapang talaga.

"But I’m happy now, I have a wonderful husband and I have my son and my daughters, I have my whole family."

Inamin din ng 48-year-old singer-actress na ngayon na lang siya ulit na-excite pagdating sa kanyang career.

"It’s weird because I haven’t felt so excited about my career in a long time. It’s like having a second wind.

"Tito Boy, alam mo yung utak ko, because I’m an artist, it hasn’t stopped working, because I’m excited.

"I’m thinking of so many possibilities I can do here, and thank you, to Tita Cory [Vidanes] for taking a chance with me."

Si Regine ay mag-uumpisang maging regular host at performer kasabay ng pagre-reformat ng ASAP bukas, November 18.


Stories We Are Tracking

Regine posts open letter to bashers amid ratings war
Regine posts open letter to bashers amid ratings war
Regine Velasquez to take action against cyberbullying
Regine Velasquez to take action against cyberbullying
The many times Regine V figured in network-transfer rumors
The many times Regine V figured in network-transfer rumors
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN
GMA-7 issues statement on Regine's transfer to ABS-CBN


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN