Barbie Imperial holds no grudges against ex-boyfriend Paul Salas

IMAGE Noel Orsal

Barbie Imperial on ex-boyfriend Paul Salas: ''Wala akong sama ng loob o galit, kasi naging parte din naman siya ng buhay ko. Kung ano man ako ngayon, isa siya sa naging reason kung bakit ako ganito."


Gaya ng ex-boyfriend niyang si Paul Salas, siniguro sa amin ni Barbie Imperial na wala siyang nararamdamang anumang galit o sama ng loob sa dating boyfriend sa kabila ng kanilang hindi magandang paghihiwalay.

Masaya rin daw siya sa kung anumang magagandang nangyayari sa buhay ng dating kasintahan.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertaiment Portal at Cinema News si Barbie sa Studio 5 ng ABS-CBN na siyang nagsilbing holding area ng mga kasali sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID shoot noong nakaraang November 11.

Giit niya, "Well, ako rin naman, wala akong sama ng loob sa kanya.

''Kung anuman din ang success niya ngayon, proud din naman ako.

''Wala akong sama ng loob o galit, kasi naging parte din naman siya ng buhay ko.

''Kung ano man ako ngayon, isa siya sa naging reason kung bakit ako ganito."

Sumang-ayon din si Barbie sa naging pahayag ni Paul na kung may natutunan man siyang aral sa breakup nila, ito ay ang huwag masyadong magtiwala.

Lahad niya, "Well, tama naman.

''Di naman talaga tama magtiwala ka ng sobra."

JM ADMITS FEELINGS FOR BARBIE

Sa Kapamilya chat ng ABS-CBN Online ay nakatanggap si Barbie ng teddy bear at isang love letter mula kay JM de Guzman.

Habang nakasalang siya online, binasa ni Barbie ang ilang bahagi ng liham ni JM, kunsaan inamin niyang minamahal niya nang buong puso si Barbie.

Bago pa man ito naganap ay consistent ang aktres sa pagsabing hindi pa talaga siya handang pumasok sa pakikipagrelasyon at gusto niya munang mag-focus sa kanyang career.

Sabi niya, "Okay naman, ganun pa rin. Ngayon kasi nasa Boracay siya, e.

''Nagsu-shoot sila ng movie ni Ate Arci [Munoz].

"Relationship? Sa ngayon di pa ako ganun ka-ready so yung focus ko muna sa career kasi nandito na, e.

''Di ko na sasayangin."

THANKFUL TO JM'S MOM

Sa mga Instagram posts ng ina ni JM ay consistent ito sa pagsasabi kung gaano siyang kinikilig sa anak at kay Barbie. Tinawag na rin daw nitong ''manugang-to-be'' ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat naman si Barbie na boto sa kanya ang ina ng kapareha.

"Talaga, nakakatuwa, nakakatuwa naman na ganun ang tingin sa akin ni Tita.

"Sobrang close, since yung Mama ko wala dito, so parang siya na rin yung Mama ko.

''Mabait, sobrang bait niya," pagpuri niya.

BACK FROM BALI VACATION

Kagagaling lang ni Barbie mula sa Bali, Indonesia para magbakasyon kasama ang ilang taong malalapit sa kanya.

Dito ay nakapag-recharge ang aktres matapos ang sunud-sunod niyang trabaho.

Kuwento niya, "Masaya, super saya! Super mura ng lahat dun so medyo tipid siya. Super saya!

"Lahat, lahat, lahat. Nag-relax, nag-swimming, nag-surfing ako.

''First time kong gawin yun. Inikot namin ang buong Bali."

PROJECTS

Kinumpirma ni JM na isang family drama serye ang sisimulan niya sa susunod na taon.

Si Barbie naman ay mapapanood sa ngayon sa episode ng Wansapanataym, ang Switch Be With You."

Saad niya, "Sa ngayon yung Wansa muna yung ginagawa ko.

''Kung serye, saka na, pag siguradong, sigurado na.

"Love team? Pahinga muna, kasi siyempre need ding mag-grow."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN