Ryan Agoncillo posts throwback photos of wife Judy Ann Santos; recalls pre-proposal days

IMAGE @officialjuday / @ryan_agoncillo on Instagram

Ryan Agoncillo took to Instagram to share photos of Judy Ann Santos that he shot months before proposing to her.


Sinariwa ni Ryan Agoncillo ang isang bahagi ng love story nila ng kanyang asawang si Judy Ann Santos.

Ito ay noong mga panahong magpu-propose pa lang siya kay Judy Ann.

Sa Instagram post ni Ryan kahapon, November 16, ay ibinahagi niya ang mga kuha niya kay Judy Ann noong 2008, habang nagshu-shooting noon si Judy Ann ng pelikula niyang Ploning.

Kasama ng mga litrato ay ang caption para sa anak nilang si Lucho, gamit ang hashtag na #storiesforlucho.

Dito rin sinabi ni Ryan na kuha niya ito ilang buwan bago siya nag-propose kay Juay Ann.

Sabi niya, "your mom is a big movie star. i went with her to an island while she was filming.

"i took these portraits and asked her to marry me a few months later.

"specially in love, it’s ok to punch above your weight class bud."

Sa comments section naman ay nag-iwan rin ng mensahe si Judy Ann para kay Ryan, na tila sagot sa desisyon ni Ryan na pakasalan siya at na tama lang "to punch above your weight."

Ayon sa Macmillan Dictionary, ang katagang "punch above your weight" ay isang idiom na ang ibig sabihin ay "having a romantic relationship with someone who is a lot more attractive than you are."

Saad ni Judy Ann, "And.. it was the best decision ever. i love you bub!"

Unang ibinahagi noon ni Judy Ann at Ryan ang engagement nila sa July 2008 issue ng YES! Magazine.

Naganap ang proposal ni Ryan noong May 11, 2008, sa 30th birthday celebration ni Judy Ann sa Antulang Beach Resort, Dumaguete City, Negros Oriental.

Sa sumunod na taon, noong April 28, 2009, ay ikinasal sina Ryan at Judy Ann sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas.

Noong April 30, 2016, kasabay ng pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng kanilang kasal ay naganap ang renewal of vows nina Judy Ann at Ryan sa isang pribadong resort sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo confirm their engagement in
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo confirm their engagement in "YES!"
(UPDATED) Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot in Batangas
(UPDATED) Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo tie the knot in Batangas
Juday, Ryan renew wedding vows
Juday, Ryan renew wedding vows


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN