Bea Alonzo excited to work with Richard Gutierrez for first time

IMAGE Noel Orsal / @andersongeraldjr on Instagram

Bea Alonzo is excited about her forthcoming TV project with Richard Gutierrez: ''Finally, makikita ko na ang talent niya, makikita ko na kung paano siya makipag-eksena. So I'm very, very excited."


Isa sa proyektong malapit nang simulan ni Bea Alonzo ay ang seryeng pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho nila ang isa't isa.

Masaya niyang bungad, "First time kong makakatrabaho si Richard.

''Finally, makikita ko na ang talent niya, makikita ko na kung paano siya makipag-eksena. 

''So I'm very, very excited.

"Something different compared to the past seryes that I've done."

HALLOWEEN TWINNING WITH GERALD

Marami ang kinilig at natuwa sa Halloween costumes ng magkasintahang Bea at Gerald Anderson kunsaan pinortray nila ang characters ng Flintstones.

Makikita sa Instagram post ni Bea noong November 1 kung paano sila nag-costume bilang mag-asawang Fred and Wilma Flintstone.

View this post on Instagram

Yabba Dabba Doo!! Happy Halloween from The Flintstones! ???? @andersongeraldjr

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bea sa nakaraang 2018 Christmas station ID shoot nung nakaraang November 11 at pagkukuwento nga sa amin ng Kapamilya actress ay ideya ito lahat ng kasintahan.

Kuwento niya, "Idea niya, nasa Canada ako nun.

''Iba talaga ang idea ko, pero di niya nagustuhan kasi ma-effort.

''Same day pag-uwi ko galing Canada, yun yung Halloween party namin.

''Bumili lang talaga ako ng naka-package, parang Halloween store sa Canada.

''Mabilisan, tapos pag-uwi ko sa Pilipinas, sinuot ko na agad, 'tapos Halloween party na.

"Alam ko na mabilisan lang yung preparation pero nag-enjoy kami.

''Masaya, masaya yung party. I think yun yung pinakaimportanteng bagay dun sa party."

HAPPY WITH FIRST LOVE REVIEWS

Katatapos lang ng showing ng pelikulang First Love na pinagtambalan nina Bea at Aga Muhlach.

Masaya naman ang Kapamilya actress sa magagandang feedback na natanggap ng pinagbidahang pelikula.

Lahad niya, "Happy ako na nagustuhan nila yung movie.

''Yun naman talaga ang intensyon namin para sa mga tao.

''Yun naman ang ikinasasaya ng puso ko kapag nagustuhan nila yung pelikulang ginagawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN