Ogie Alcasid relieved that Regine Velasquez's bashers have slackened a bit

IMAGE Courtesy: @reginevalcasid / @ogiealcasid on Instagram

Ogie Alcasid feels relieved that wife Regine Velasquez's bashers have slackened a bit lately: "Noon [yung bashing], pero ngayon wala na naman, e. Nung una, ang concern ko kasi nasasaktan siya. But kalaunan, na-realize niya na mabuting pabayaan na lang niya."


Aminado si Ogie Alcasid na bilang asawa ni Regine Velasquez ay apektado siya sa pamba-bash na tinatanggap ng asawa mula nang magdesisyong lumipat ito sa Kapamilya network.

Sa tindi at sunud-sunod na pamba-bash sa Asia's Songbird, nagbiro ang singer na lumipat lang naman daw si Regine ng istasyon at hindi siya pumatay ng tao, kaya tila hindi naman tama para tratuhin siya ng ibang tao na parang gumawa na siya ng isang napakalaking krimen.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang singer/composer sa nakaraang ABS-CBN Christmas station ID shoot nung nakaraang November 11.

Lahad niya, "Noon [yung bashing], pero ngayon wala na naman, e.

''Nung una, ang concern ko kasi nasasaktan siya.

''But kalaunan, na-realize niya na mabuting pabayaan na lang niya.

''Saka siguro, wag mo na lang basahin [ang mga online comments], kasi may mga tao na mayroon talagang opinyon.''

Para nga kay Ogie, bilang artista, madalas ay nakakaramdam din sila ng sama ng loob at di napipigilang sagutin ang mga bashers nila.

Pag-amin niya, "Ayaw mo namang pasamain yung opinyon nila kasi opinyon nga nila yun, but at the same time tao ka lang naman na nakakaramdam ng hurt."

NEW PROJECTS

Ngayong Kapamilya na sila ni Regine, thankful si Ogie sa mga proyektong ginagawa na niya at nakalinya pa nilang gawin, gaya ng isang sitcom na pagtatambalan nila.

Pahayag niya, "Super parang nagsisimula uli. Nakakatuwa.

''I feel happy for my wife. I feel blessed.

''Nandun yung grace. Nakakatuwa."

ABS-CBN XMAS STATION ID

First time na magiging parte sina Regine at Ogie ng Christmas station ID ng ABS-CBN, at sobra raw ang excitement nilang mag-asawa dahil dito.

Sabi niya, "It's very exciting, interested akong malaman kung paano ito gagawin.

''I'm sure mahirap ito, mahirap pagsamahin kaming lahat but nakakabilib.

''I'm excited to see the final outcome, at the same time happy ako dahil nandiyan na ang asawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

''Exciting for me, and excited ako para sa asawa ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN