Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend

IMAGE @pinaypole Instagram

Ciara Sotto admits relationship with her foreigner boyfriend named Ian Austin. 


Sa kauna-unahang pagkakataon, pinangalanan na ni Ciara Sotto ang lalaking nagmamay-ari ngayon ng kanyang puso.

Ipinakita ni Ciara sa kanyang Instagram account ang couple photo nila ng lalaking nagngangalang Ian Austin, ngayong Linggo, November 18.

Ang simpleng caption ni Ciara: "Happy Birthday my love!"

View this post on Instagram

Happy Birthday my love! ????????????????♥?

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole) on

Naka-tag sa post ni Ciara ang kanyang boyfriend na may handle na @scorp_austin.

Base sa Instagram bio ni Austin, isa siyang "propbuilder/sculptor."

May nakasaad din sa bio ng lalaki na "Pro 2A [U.S. and Philippine flag emojis]."

Ayon sa urbandictionary.com, ang "2A" ay karaniwang tumutukoy sa Second Amendment ng U.S., na layuning pangalagaan ang karapatan ng civilians na magmay-ari ng baril bilang proteksiyon sa sarili.

Ibig sabihin, "pro" o pabor si Ian sa naturang batas.

Hindi malinaw kung paano nagkakilala sina Ciara at Ian.

APPROVAL FROM CIARA'S FAMILY

Pero noong September 23, unang naisapubliko ang tungkol sa masayang estado ng love life ni Ciara.

Kasama ni Ciara ang isang non-showbiz guy sa wedding anniversary dinner ng parents niyang sina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa.

Mismong kapatid ni Ciara, si Gian Sotto, ang nagbuking na ang kasamang lalaki ng Kapuso actress ang bagong pag-ibig ni Ciara.

Malinaw na boto ang mga kapatid at magulang ni Ciara na kasama nila noong gabing iyon.

Si Ciara ay hiwalay sa mister niyang si Jojo "Joe" Oconer mula pa noong January 2016.

Ito ay matapos isapubliko ni Ciara ang diumano'y pambababae ni Joe.

Noong June 2018, inamin ni Ciara na nagsumite siya ng petition for annulment para sa kasal nila ni Joe.

Ikinasal sila noong January 17, 2010.

Mayroon silang apat na taong gulang na anak.

HAPPY FOR CIARA

Samantala, may ilang malalapit kay Ciara ang nagpaabot ng kanilang mensahe hinggil sa blooming love life ng Kapuso actress.

Kabilang dito si Aiko Melendez, na ayon kay Ciara ay isa sa mga natatakbuhan niya noong panahong may pinagdadaanan siyang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Positibo rin ang mensahe nina Sunshine Dizon, Ruby Rodriguez, at kapatid ni Ciara na si Gian.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto teased about new man in her life
Ciara Sotto teased about new man in her life


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN