Gab Valenciano reveals love story with non-showbiz girlfriend

IMAGE @gabvalenciano Instagram

Gab Valenciano asks Joann Santiago to be his girlfriend during their scuba-diving trip in Anilao, Batangas.


Inamin ni Gab Valenciano na opisyal na silang magkarelasyon ng isang non-showbiz girl na nagngangalang Joann Santiago.

Sa kanyang Instagram post kahapon, November 17, buong-pagmamalaking inihayag ni Gab na sila na ni Joann matapos ang kanilang unforgettable scuba-diving trip sa Anilao, Batangas.

Nasa ilalim sila ng dagat nang iabot ni Gab kay Joann ang maliit na white board na naglalaman ng proposal ni Gab na maging girlfriend niya si Joann.

Sabi rito: "LOVE, I WANT TO MAKE YOU THE HAPPIES[T] PERSON IN THE WORLD WILL YOU BE MINE???"

Mayroon ding choices na "YES" or "NO" sa mensahe ni Gab sa dalaga.

Nilagyan ng "check" ni Joann ang "YES" at sabay sinulat na "100%" bilang sagot kay Gab.

SECOND CHANCE AT LOVE

Ayon kay Gab, sisiguruhin niyang mapapangalagaan niya ang relasyon nila ni Joann.

"I don’t really know how to begin, words are escaping me at the moment. I guess I can start by saying thank you," saad sa madamdaming post ni Gab para sa nobya.

"Thank you for being my second wind in life.

"Thank you for understanding me in ways nobody ever has.

"For believing in me and accepting me despite my shortcomings. For showing me that life can be simple.

"And thank you for loving me unconditionally, just when I thought I have given up.

"You are my second chance and I will make this count.

"I am lucky to know you, beautiful one. Even more blessed to have you.

"I love you, Jo. Excited to journey through life with you."

SCARED OF GETTING HURT

Kuwento pa ni Gab, unang beses pa lang niyang makilala si Joann ay nakaramdam na siya ng "connection" sa pagitan nila.

Pero aminadong nakaramdam daw siya ng takot noong unti-unting lumalim ang kanilang pagkakamabutihan.

"Here's the thing, we started dating and things got deeper. When I felt like it was deep enough to get hurt, I walked away for a week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was tough and confusing, because my heart wanted her but my mind said no.

"In the end, I chose her."

Nagpapasalamat daw si Gab na hindi siya sinukuan ng babaeng minamahal.

"Here's the thing, if not for her efforts to make things right, I would have been Jo-less  and most likely still lost in the dark.

"She made me understand that my center should be Christ, and she is proof that He truly exists."

Natutunan daw ni Gab kay Joann na hindi dapat katakutan ang pagsugal muli sa larangan ng pag-ibig.

"Jo is my miracle, you'll find yours too. You'll be broken one way or another, it's about finding someone who finds beauty in your brokenness and together picks up the pieces, hand in hand, and let's you fly."

FAILED MARRIAGE

Noong July 2016, naging kontrobersiyal ang hiwalayan ni Gab at ng misis niyang si Tricia Centenera dahil sa diumano'y pambababae ng singer.

Ikinasal sina Gab at Tricia sa U.S. noong October 2014 at nagkaroon pa ng dalawang hiwalay na seremonya sa Pilipinas noong 2015.

Sa kabila ng kanilang failed marriage, inihayag ni Tricia noong May 2018 na wala na siyang anumang galit kay Gab at hinihiling niyang mahanap nito ang tunay na kasiyahan.

By that time ay divorced na raw sila ni Gab.

Si Tricia ay mayroong 51-year-old non-showbiz boyfriend at kasalukuyang ipinagbubuntis ang una nilang anak.


Stories We Are Tracking

Tricia Centenera on ex-husband Gab:
Tricia Centenera on ex-husband Gab: "We're good friends."
Tricia Centenera now on good terms with Gab Valenciano
Tricia Centenera now on good terms with Gab Valenciano
Gab Valenciano sees himself marrying again
Gab Valenciano sees himself marrying again
Gab Valenciano speaks up about his alleged affair
Gab Valenciano speaks up about his alleged affair


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN