Vice Ganda opens up about special friendship with Calvin Abueva

IMAGE Arniel Serato / Jerome Ascano for SPIN.ph

Vice Ganda on PBA player Calvin Abueva: "Masaya kami, oo. Basta masaya kami kung anong meron ngayon, masaya lang kami."


Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging malapit sa isa’t isa ng TV host-comedian na si Vice Ganda at ng PBA player na si Calvin “The Beast” Abueva.

Si Vice, 42, ay madalas makitang nanonood kapag may laro ang Phoenix Fuel Masters, ang kinabibilangang koponan ni Calvin, 30.

 IMAGE Jerome Ascano for SPIN.ph

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa grand opening ng Vice Cosmetics flagship store sa Market! Market, sa Taguig City, noong Sabado, November 17.

Dito ay inusisa si Vice kung bakit hindi nila itinatago ni Calvin ang kanilang pagkakaibigan sa publiko, kumpara sa ibang mga lalaking nali-link sa kanya.

Pagbabahagi ng It’s Showtime host, “Masayang-masaya ako ngayon, kaming dalawa.

“Kasama siya, masaya kami, at natutuwa ako na may mga taong natutuwa din for me, especially for me.”

Dagdag niya, “Yung support online, may mga nababasa ako, ang ganda ng mga sinasabi nila.

“Na sabi ko, it's due time na yung mga tao naman, e, hindi na ganun kababaw at hindi na ganun kababoy ang tingin.

“Hindi... kasi, di ba, may taong akala mo naman diring-diri, baboy.

"Ano ba yun? Ano bang madumi, ano bang mali, di ba?

“Tumatalino na rin kahit papa'no yung mga tao, maganda na yung feedback, nakakatuwa.

“Ibig sabihin nun, gumaganda lalo ang estado ng puso ng maraming tao, kasi nagiging ano sila, e, mas welcoming, nagiging understanding.

“Ini-embrace na nila yung mga ganung konteksto at uri ng pakikipagkaibigan.”

Ayon pa sa comedian/host/entrepreneur, ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng saya sa pakikipagkaibigan sa isang tunay na lalaki na hindi siya ikinakahiya.

Saad ng box-office star, “Ngayon lang naman ako nagkaroon ng lalaking kaibigan [na] proud sa akin na ganyan.

“Kasi dati, siyempre gusto ko rin naman ano... ako, proud naman ako sa lahat ng mga naging kaibigan ko, pero siyempre prinotektahan ko din naman sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung hindi sila kumportable sa ganun, e, di ibibigay ko. Ayoko naman silang ma-pressure, e.

"Kung hindi ganun ang pananaw nila, I cannot impose, e.

“Si Calvin kasi ano siya, wala siyang pakiaalam. Open siya, e.

"Alangan namang ako pa yung umarte, ako pa yung magtago?

"Baka batukan niya ako, ‘Ano, ikinahihiya mo ako?’

“Di ba? E, proud siya sa akin na kaibigan niya ako, e, di mas proud ako na kaibigan ko siya.”

 IMAGE Arniel Serato

NOT EXCLUSIVELY DATING

Para sa kaalaman ng lahat, si Calvin ay hiwalay na sa kanyang asawa at mayroon silang apat na anak.

Masasabi ba ni Vice na "exclusively dating" sila ni Calvin?

Paglilinaw niya, “E, hindi kami exclusively dating, hindi kami ganun.

“Masaya kami, oo. Basta masaya kami kung anong meron ngayon, masaya lang kami.”

Matagal nang magkakilala ang Unkabogable star at ang basketbolista, pero ngayon lang daw sila nagiging close.

Ayon pa sa Gandang Gabi Vice host, “Malambing siyang kaibigan. Mahawak, maharot, malambing, matsika.

“We’re friends. We’re very, very good friends.

"Sabi niya nga dun sa interview niya, sweet friends daw."

 IMAGE Jerome Ascano for SPIN.ph

May inaasahan ba siyang “benefits” sa pagkakaibigang ito?

Pabirong sabi niya, “Ako, nag-aantay ng benefits? Oo naman!"

Pero dugtong ni Vice, "Yung malaking benefit yung nakukuha ko sa kanya, yung smile, yung saya ng puso ko, napakalaking benefit nito.

“Iba yung gumigising ka at matutulog ka every day na masaya yung puso mo.”

Meron ba silang term of endearment?

Natatawang sabi ni Vice, “Wala, Calvin, Calvin lang...

"'Bakla' nga tawag nun sa akin minsan, e.

“Oo, katulad kahapon [November 16], nung luto na yung adobo, e, late ako sa Showtime, e, tumatawag siya, hindi ko siya nasagot.

“Nung tinawagan ko, sabi niya, ‘Bakla, yung adobo nandidito na, hindi ka sumasagot.’

“Ganun kami, tropa-tropa, sobrang bargas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya masaya raw si Vice na nakahanap siya ng sinserong kaibigan tulad ni Calvin.

“Nakaka-happy. Parang, puwede na iyan because friendship is love. Di ba?”

APOLOGIZING FOR MEDIA FRENZY

Kahit magkaibigan lamang daw sila Filipino-American basketball player, binibigyan pa rin ng malisya ng ilan ang kanilang relasyon.

Saad ni Vice, “E, lahat naman binibigyan ng malisya. Pero tinatanong ko nga sa kanya.

“E, sabi niya, hayaan mo sila.

"'Tapos, nag-apologize din ako sa kanya nung andami nang articles, 'tapos napanood ko, pati sa basketball, yun ang [balita].

 IMAGE Jerome Ascano fro SPIN.ph

“Sabi ko, ‘Sorry, a, gusto ko lang mag-apologize kasi baka naaabala ka na,’ at sabi ko, ‘Nai-invade na yung privacy mo.’

“Sabi ko, ‘Sorry, kasi hindi ko maku-control 'yan.'"

Naintindihan naman daw ito ni Calvin.

“Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala, hayaan mo lang. Hangga’t kinikilig ang lola ko, go lang.’

“Kasi kinikilig daw yung lola niya.

“'Go lang, hayaan mo sila, wala akong pakialam diyan.'

“Wala siyang pakialam.”


Stories We Are Tracking

Vice defends Coco, <em>Ang Probinsyano</em> against recent criticisms
Vice defends Coco, Ang Probinsyano against recent criticisms


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN