Sylvia Sanchez reacts to rumored romance of son Arjo Atayde and Maine Mendoza

IMAGE Noel Orsal / Photo from Instagram (Credit to the owner)

Sylvia Sanchez speaks up about the rumored relationship of son Arjo Atayde with Maine Mendoza. The seasoned actress confirms that her son is happy now.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Sylvia Sanchez hinggil sa pagkaka-link ng kanyang anak na si Arjo Atayde sa Eat Bulaga! host na si Maine Mendoza.

Ayon sa 47-year-old actress, hindi lingid sa kanya ang mga lumalabas na larawan nina Arjo, 28, at Maine, 23, sa social media.

“Nakikita ko siyempre yung mga litrato. Nababalitaan ko.

"Mas nauuna yung social media sa 'kin," sabi ni Sylvia sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, nitong Lunes, November 19.

Sabi pa ng award-winning actress, “Tinatanong ko si Arjo, ngingitian lang ako.

"Walang usapang ganun sa bahay."

Dagdag ni Sylvia, nirerespeto niya ang anak sa desisyon nitong huwag magsabi sa kanya.

“Basta ako, kung ano yung gusto niya, kung ano yung ayaw niyang sabihin sa amin, sirekto niya, respeto.

“So, kung anuman yung ginagawa ng anak ko, buhay niya 'yan, e.”

Ang tiniyak ni Sylvia ay masaya ang kanyang anak ngayon.

“Masaya ang anak ko, at yun ang importante sa akin bilang ina.”

Una nang nagsalita si Arjo sa napababalitang relasyon nila ni Maine.

Matipid ang sagot ng binata sa tunay na estado ng kanilang relasyon ni Maine, pero sinabi niyang masaya siya.


Stories We Are Tracking

Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza
Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together at concert
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?
Are Maine Mendoza, Arjo Atayde together in Bali?


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN