Ervic Vijandre explains why he did not run for councilor in San Juan City

IMAGE Noel Orsal

Ervic Vijandre is part of the cast of Cain at Abel, the latest prime-time series of GMA-7. His role and contract for the show kept him from running in the 2019 elections. "Yung airing ng Cain at Abel baka umabot ng campaign period, so madi-disqualify lang din ako."


Hindi na itinuloy ni Ervic Vijandre ang planong tumakbo bilang konsehal sa San Juan City sa 2019 elections.

Paliwanag niya, “Hindi ako nag-submit, hindi ako nag-file.

"Nagka-conflict lang sa contract with GMA.

“Hindi naman bawal, kaya lang kasi ginagawa ko na itong Cain at Abel, 'tapos yung airing ng Cain at Abel baka umabot ng campaign period, so madi-disqualify lang din ako."

Ang Cain at Abel ay ang bagong primetime series ng GMA-7 na nagsimulang umere kagabi, November 19.

Bida rito sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Ayon pa kay Ervic, “Siyempre nanghinayang ako na magkaroon ng opportunity na makatulong sa city ng San Juan.

“Pero inisip ko naman, puwede din naman akong maging public servant, at the same time habang nagiging artista ako.

"So, yun nga lang, hindi ako full time na nandun makakatulong."

Ano ginagawa niya ngayon na pagtulong habang hindi pa siya tumatakbo?

“Nandun pa rin naman ako, yung suporta ko kay Francis Zamora na tatakbong mayor ng San Juan.

"Andun pa rin naman ako na tutulong sa likod niya, nakasuporta sa kanya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ervic sa presscon ng Cain at Abel sa Prime Hotel noong nakaraang linggo.

BASKETBALL PLAYER

Tatlong buwang nabakante sa paggawa ng teleserye si Ervic bago niya gawin ang Cain at Abel.

Sa mga panahong iyon ay ginugol daw ng Kapuso actor ang oras niya sa basketball.

“Ngayon active ako sa paglalaro ng basketball uli, part ako ng team ng GenSan Warriors sa MPBL,” banggit niya.

Ang MPBL ay ang Maharlika Pilipinas Basketball League.

“Ano ito, parang NBA na mga cities yung kasali, so ang team ko is General Santos City, GenSan Warriors.

“Hindi ako taga-GenSan, pero kasi parang may rule na ex-PBA na puwede dun sa team.

"Parang dahil na-draft ako dati sa PBA, so considered ako na ex-pro.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taong 2013 nang na-draft sa Philippine Basketball Association si Ervic.

Artista na siya noon kaya hindi niya itinuloy ang paglalaro sa PBA.

Mas pinili ni Ervic ang showbiz, bagay na hindi niya pinagsisihan. 

Aniya, “Hindi naman, kasi nagagawa ko pa din naman mag-basketball on the side, which is for fun din naman talaga.

"So yun, more for fun na lang yung basketball sa akin. 

"Although love ko siya, yung pag-aartista kasi more of career na talaga sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN