Andrea Torres says being a Christian helped her handle bashing better

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres says being a member of the Victory Christian Fellowship has helped her in having a better mindset when it comes to online bashing. "Kasi nga nagbi-Victory ako ngayon, so hindi na rin ganun kadaling maano yung kalooban ko, maapektuhan yung kalooban ko."


Aminado si Andrea Torres na kung minsan ay masyado na siyang idealistic pagdating sa kanyang ideal guy at sa nagiging mga karelasyon niya.

“Hindi ko na nga alam kung masyado na ba akong ano, masyado na bang pang-movies yung naiisip ko.

"Kasi pag nakikipagrelasyon ako, siyempre iniisip ko na, na puwede na yun yung mapangasawa ko, e.

“Hindi naman ako nakikipagrelasyon na wala-wala lang.”

Bawat relasyon daw na pinapasok ni Andrea ay nais niyang maging pangmatagalan.

“Lagi naman, kahit yung first boyfriend ko inisip ko naman talaga na iyon yung mapapangasawa ko.”

STRONGER ANDREA

Katatapos lamang ng Victor Magtanggol, at habang umeere ang show ay dumaan sa matinding pamba-bash si Andrea.

Mas naging strong ba siya dahil dito?

Aniya, “Even pa nga po bago dumating, e. Feeling ko, parang ang galing din ni Lord, inihanda niya ako na ito yung next project ko. 

“Pagpasok ko pa lang, alam na alam ko na kung paano ko siya iha-handle.

“Parang ano na, parang naayos ko na rin yung thinking ko kung paano ko iha-handle yung bashing.”

Pero ininda pa rin daw naman niya ang masasakit na salita laban sa kanya ng mga bashers.

“Hindi naman sa wala lang, siyempre may mga times na naaapektuhan pa rin ako.”

Lalo na raw kapag idinadamay ang pamilya niya.

“Oo, lalo na pag ganun.

"Pero parang may mindset ka na kasi, e, na kung paano makipag-deal sa [bashers].”

Hindi man naging madali, hindi naman solong hinarap ni Andrea ang mga “kalaban.”

Aniya, “Na-guide din naman ako nang maayos ng GMA Artist Center saka ng family ko. 

“Saka yun nga, kasi nga nagbi-Victory ako ngayon, so hindi na rin ganun kadaling maano yung kalooban ko, maapektuhan yung kalooban ko.”

Active member ng Victory Christian Fellowship ang Kapuso actress.

CHRISTMAS PLANS

Sa nalalapit na Kapaskuhan, ano ang Christmas plans ni Andrea at ng kanyang pamilya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bahay lang kami lagi, e. Request po yun ng Daddy ko, talagang traditional siya.”

Samantala, may mensahe si Andrea sa mga sumuporta ng Victor Magtanggol, na pinagbidahan ni Alden Richards sa GMA-7, hanggang sa pagtatapos nito noong Biyernes.

“Super-thank you talaga!

“Kasi siyempre nung una kinakabahan kaming lahat, 'tapos nakita namin yung sa Twitter pa lang, grabe rin naman silang mag-support.

"Lalo na yung mga fans ni Alden, iba rin silang mag-push sa show. 

"So super thank you, kasi nga tinanggap nila kami sa mga roles namin, saka yung show mismo, yung concept nung show.”

Ano ang message niya sa bashers?

“Wala, hindi ko naman sila iniintindi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN