Sam Concepcion says love life not his priority after breakup with Kiana Valenciano

IMAGE Noel Orsal

Sam Concepcion is still in the process of moving on after his breakup with Kiana Valenciano. He adds that he is not yet ready to fall in love again.


“I think that’s not a priority at the moment.”

Ito ang sagot ni Sam Concepcion nang tanungin tungkol sa kanyang love life.

Sabi pa ng actor-singer, “Keeping [myself] busy with work. Maraming pagkakaabalahan.

"Concentrating on all of that."

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang kumpirmahin ni Sam, 26, na break na sila ni Kiana Valenciano, 25.

Maliban dito, hindi nagbigay ng iba pang detalye si Sam, kagaya ng kung sino ang nakipaghiwalay at kung ano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Hindi rin niya ibinunyag kung gaano katagal ang naging relasyon nila.


Stories We Are Tracking

Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano
Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano
Gary Valenciano speaks up about Kiana-Sam breakup
Gary Valenciano speaks up about Kiana-Sam breakup

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at isa pang miyembro ng press si Sam sa story conference ng pelikula nila ni Nadine Lustre, ang Indak, na ginanap sa Viva office nitong Lunes, November 19.

Inusisa si Sam kung ilang porsiyento na ang pagmu-move on niya sa breakup nila ni Kiana.

Sagot niya, “I don’t wanna give it the numbers but, actually, parang minsan naman you really have to take it a day at a time; concentrate on yourself, your work, your career, your relationships, family.

“As you find that, parang you’ll find yourself in the place kung saan mo gusto, where you wanna be.

“So, yun. That’s what I’m keeping in mind.”

Nakikipag-date na ba siya uli?

“Wala, wala naman,” maiksi niyang sagot.

Kailan siya magiging handa para magmahal ulit?

“Di ko alam. If it happens, it happens.

“I won’t force anything.

“I won’t force not to see anyone. I won’t force to see anyone.

“We’re still young,” sabi ni Sam.  

NADINE AS LEADING LADY

Sa trabaho ngayon ibinubuhos ni Sam ang kanyang atensiyon.

Kabilang na nga rito ang dance movie nila ni Nadine na Indak.

Aniya, “Okay din na maraming work na nangyayari.

"There’s music coming, doing the series with Shy Carlos [Will You Marry Me?], 'tapos ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Indak, unang beses na magtatambal sina Sam at Nadine.

Ayon kay Sam, advantage na magkaibigan sila ni Nadine sa tunay na buhay.

“One, of course, we’re friends, we’re very close. That will make it more fun.

“Shooting is gonna be more fun. Hindi siya magiging parang work.

“Siyempre, this is the first time we’re working together din.

“For us, mas makikilala din namin ang isa’t isa sa trabaho naman.

“It’s gonna be a different dimension, kaya it will be good. It will be exciting.”  

Ang pelikula ay ididirek ni Paul Basinilio.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN