Vice Ganda reveals closeness to Calvin Abueva's family

IMAGE Jerome Ascano for SPIN.ph

Vice Ganda on special friendship with Calvin Abueva: "Yun lang, panatag ang loob ko. Hindi katulad dati kapag may kasama akong kaibigan, natatakot ako kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas, yung lagi kaming kubli nang kubli. Ngayon, may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip."


Kuntento raw sa kanyang buhay ngayon si Vice Ganda.

Bukod sa tagumpay sa kanyang negosyo at karera, masaya rin siya sa espesyal na pagkakaibigan nila ng PBA player na si Calvin Abueva.

Pahayag ng 42-year-old It’s Showtime host, “Yung friendship niya sa akin, pinapasaya niya.

“At saka yung relationship ko with him and his family, na napakabait sa akin, ayun, masaya ako dun.

“Yun lang, panatag ang loob ko.

"Hindi katulad dati, kapag may kasama akong kaibigan, natatakot ako kapag nakikita kami ng ibang tao sa labas, yung lagi kaming kubli nang kubli.

“Ngayon, may kapayapaan ang puso ko, wala akong iniisip.

"Kasi kung siya ay walang iniisip, bakit ako mag-iisip, di ba?

“Kung siya hindi namomroblema, hindi rin ako mamroroblema.”

Natawa naman si Vice nang matanong kung hahayaan ba niyang makipag-date sa iba si Calvin.

Sabi niya, “Ay, oo, bakit naman natin ipagkakait sa iba? Hindi ako [possessive].

“Hindi rin ako clingy. Mag-girlfriend siya, [kung] gusto niya.”

 IMAGE Jerome Ascano for SPIN.ph

Pamilya raw ang turing ni Vice sa Phoenix Fuel Masters player.

Birong dagdag niya, “Baka nga gawin kong endorser ng Vice Cosmetics si Calvin, yung lola niya, yung ate niya... pamilya sila.

“Ay, hindi pa niya nami-meet ang nanay ko, pero na-meet ko na ang nanay niya.

"Naka-Vice Cosmetics din yung nanay ni Calvin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Vice sa grand opening ng Vice Cosmetics flagship store sa Market! Market!, Taguig City, noong Sabado, November 17.

 IMAGE Arniel Serato

ADOBO NI CALVIN

Noong nakaraang Biyernes naman, November 16, nagpadala ng adobo si Calvin kay Vice sa studio ng It's Showtime.

Kaya naman naging biruan sa show ang adobo ni Calvin.

Kuwento ni Vice, “Ang sarap nung adobo, in-enjoy ng buong Showtime.

"Pati staff, tumikim. Ang dami niyang niluto, pati kanin niluto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siya talaga nagluto nun, in-IG [Instagram] nga niya.

"Niluto niya sa pugon kasi nagluluto talaga siya. Kahoy.

“Masaya, nakaka-happy.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN