Dina Bonnevie recalls how she caught ex-husband cheating on her

IMAGE Noel Orsal

Dina Bonnevie on giving up after being cheated on one too many times: "Kumbaga sa salita ni FPJ, kapag puno na ang salop! Hahaha! Di ba, hanggang kailan ang tama na? Sa akin, kasi, puwede ka magpatawad. Pero pag paulit-ulit, katangahan na yun."


Aminado si Dina Bonnevie, 57, na isa sa matinding pagsubok na pinagdaanan niya ay mahuling nangangaliwa ang isang karelasyon na wala na sa buhay niya ngayon. 

Hindi na pinangalanan ng aktres kung sino sa dalawang ex-husbands niya ang tinutukoy niyang nagkaroon ng ibang babae. 

Pero sa kasalukuyan, happily married si Dina kay Ilocos Sur First District Representative Deogracias Victor "DV" Savellano. 

“Nangyari na sa akin yun in the past. Sana naman hindi na maulit,” pag-amin ni Dina.

"Yung hindi mo sinasadyang hulihin. Pero tawag nang tawag.

"Biglang, 'Oh my gosh! Tama ba yung nakita ko?'

"Kaya nga sabi ko, kung talagang mahuhuli, mahuhuli at mahuhuli mo even if you don’t try." 

Bigay-todo raw siyang magmahal kaya nakuha pa niyang patawarin noon ang taong nanloko sa kanya.

Hanggang sa napagtanto raw niyang tuldukan na ang relasyon dahil “umulit nang umulit nang umulit” sa pangagaliwa ang karelasyong iyon.

Patuloy ni Dina, “Kumbaga sa salita ni FPJ, kapag puno na ang salop! Hahaha!

“Di ba, hanggang kailan ang tama na? Hanggang kailan ang okey na? Hanggang saan ang naibigay ko na ang lahat?

“Sa akin kasi, puwede ka magpatawad. Pero pag paulit-ulit, katangahan na yun.

"Maaari din na mahalin mo ang isang tao, pero hindi mo babalikan para lang ma-realize niya kung ano yung pagkakamali niya at para maging mabuti siyang tao.

"Alam mo yung tough love? Alam ko mahal kita, pero hindi kita tutulungan para ma-realize mo kung anong dapat mo baguhin sa sarili mo."

Naniniwala raw kasi si Dina na choice ng isang lalaking may asawa kung anong pinapasok nito sa oras na mambabae ito. 

"Hindi ako naniniwala na may naaagaw na lalaki kung hindi magpapaagaw.

"In other words, siguro ang lalaki nawawala lang sa buhay mo. Ang isang pag-ibig nawawala sa buhay natin dahil nakakahanap ng inaakala nilang mas masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At miyentras naagaw sila, mas masaya ka ba nung nakalipat ka sa kabilang bakod? Mas naging masaya ka ba?

"Minsan feeling nila naging masaya sila, only to realize na, 'Hindi, mas gusto ko bumalik sa dating bakod.'

"Kasi, di ba, the grass is always greener on the other side. You always want what’s not yours. You always want what the others have. 

"Until you realize na, 'I was happy na pala with what I have before.'

"Ganun tayo, e. Walang kakuntentuhan."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina pagkatapos ng media launch ng GMA-7 primetime series na Cain At Abel, na ginanap sa Prime Hotel sa Quezon City noong November 13. 

SELF-WORTH AND WOMAN'S INSTINCT

Nagsilbing matinding aral daw ang mapait na karanasan ni Dina sa pag-ibig upang mas pahalagahan niya ang kanyang self-worth.

Aniya, "Kung ang kapalit nun mawawalan ng respeto sa sarili, hindi na pagmamahal yun.

"How can you love someone when you don’t have that for yourself? You can only love someone if you love yourself too.

"You can only respect someone if you have respect for yourself too.

"Pag wala kang respeto sa sarili mo, wala kang pagmamahal sa sarili mo, hindi mo kaya magmahal."

Kuwento pa ni Dina, tumalas ang kanyang instinct bilang babae nang dahil sa panlolokong naranasan noon. 

"Sa tingin ko, tumalas na tenga ko.

"Dati kasi hindi, e. Parang, never ako naghihinala. Parang mahina yung radar ko, mahina yung tenga ko.

"Pero dahil siguro sa mga pinagdaanan ko, matalas na yung radar ko ngayon.

"Konting ano pa lang, whoops!" 

Mas aware na raw siya kung ang ikinikilos ng isang lalaki ay sinsero o may itinatago itong sikreto. 

"Baliktad nga, e. Kapag sobrang bait ng asawa mo na tawag nang tawag sa 'yo, mag-isip ka na. Hahaha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi baka sinisigurado niya lang na hindi kayo magkikita.

"Like, sabi ng isang babae sa akin, 'Alam mo, ang bait ng asawa ko. Tawag nang tawag sa akin every hour.'

"Sabi ko, 'Baka sinisigurado lang niya na hindi kayo magkikita. Kaya tinatanong kung nasaan ka para for sure hindi siya dun pupunta.'" 

Hindi ba siya natakot sumugal ulit sa pag-ibig? 

Sagot ni Dina, "I think, for as long as you love yourself, as long as you respect yourself, you will be capable of loving others.

"Sabi nga sa akin ng isang pastor, 'When you begin to love yourself and enjoy your own company, that’s when the right person comes along.

"'Pero kung halimbawa, you can't even enjoy your own company? How can other people enjoy yours?

"'If you're alright being alone, spending the day with yourself, that means to say you're ready for other people to love you too.'

"Makes sense."

Hindi raw niya minadali ang proseso ng paghilom ng sugat mula sa dalawang pagkakataong nauwi sa hiwalayan ang dapat sana'y lifetime commitment.

"When I stop thinking na, 'Uy, kuhaan mo naman ako ng date. Hanapan mo naman ako.'

"When you stop looking, and you're okay with being yourself, it comes along.

"Kasi out of the fullness of your heart, you have something to share. 

"Hindi yung you sell yourself so short na, 'Bahala na. Kahit sino na lang, kasi desperate na ako. Last trip na 'to." 

HAPPILY MARRIED

Anim na taon nang kasal si Dina sa mister niyang si Congressman DV. 

Nang tanungin kung paano siya bilang asawa, sinabi ni Dina na walang rules na kailangan sundin sa larangan ng pag-ibig. 

"Sa akin, you know your responsibility. 

"Kasi, di ba, may ibang babae nagbabasa ng book of rules, 'Oh, I should end the date first.' May ganyang stuff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think you go with your heart." 

Ang mahalaga raw ay maging totoo sa sarili. 

Dagdag ni Dina, "If you feel happy and you want to appreciate him, appreciate him.

"If you feel like you wanna be alone today, then be alone.

"If you feel like you wanna express yourself, okay, go ahead.

"Kumbaga, may boundary ka sa sarili mo.

"Everything you do is within respecting yourself.

"Everything you do is within loving yourself."

View this post on Instagram

@ tonight’s Aw -Tan wedding with my handsome date! ??

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN