Former Super Sireyna winner Mark Estephen back to being a trans woman?

IMAGE Photos from Facebook

Remember Mark Estephen, formerly known as Sabel Gonzales, Super Sireyna 2014 winner, and who embraced being a man at the start of 2018? Well, it seems like he—or rather she—is back to being a trans woman.


Nagbabalik ba sa dating buhay bilang isang transgender woman si Mark Estephen?

Unang nakilala si Mark bilang Super Sireyna Queen of Flowers 2014 na si Sabel Gonzales.

Lumikha ng ingay si Mark noong January 2018 nang kanyang ianunisyo sa Facebook na tinatalikuran na niya ang pagiging trans woman.

Niyakap na raw niyang muli ang kasariang itinalaga sa kanya ng Diyos—isang lalaki.

Halos isang dekadang namuhay bilang trans woman si Mark, pero hindi pa siya sumasailalim sa gender reassignment surgery.

GOODBYE MARK, HELLO SABEL?

Nitong Linggo, November 18, may makahulugang Facebook post si Mark.

Dito ay ipinapahiwatig ni Mark na bilang isang tao, may mga kahinaan siya at hindi madali ang kanyang pinagdadaanan.

Narito ang buong post niya:

“I’m also human, I’m not perfect, and I know that in every decision that I make, there’s a consequence. 

“I’m NOT PROUD just to show my pride, but I humble myself to admit that I am a sinner that need the forgiveness of God

“I am imperfect person that needs the perfect LOVE of God... 

“This is the reality that people should know, it is not easy what I am going through, but I still have HOPE in our Lord JESUS CHRIST that I will be transformed inside and out in His right time...”

Pero gamit pa rin ni Mark ang tunay niyang pangalan.

Sa comments section, isang netizen ang naglagay ng link ng isang Facebook user, kung saan makikita ang mga larawan ni Mark na tila nasa isang party.

Nakaayos at nakadamit-pambabae siya rito.

Kung pag-aaralan, ang nagmamay-ari ng Facebook account ay kakilala ni Mark.

 IMAGE Photo from Facebook (Credit to the owner)

Lumalabas na ang mga larawang ito ay kuha sa birthday party ng Facebook user sa New York, U.S.A.

Ipinost ang mga ito nito lamang Lunes, November 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MIXED REACTIONS

Sa comments section ng naturang Facebook post, magkahalo ang reactions ng netizens.

May nagpahayag ng suporta kay Mark sa tila pagbabalik niya sa dating buhay bilang isang trans woman.

Mayroon din namang kinutya at sinumbatan siya sa pagiging isang trans woman muli, matapos ang desisyong yakapin ang kanyang pagiging lalaki pagpasok ng taon.

Kahapon, November 19, may bagong post si Mark.

Dito ay nakiusap siya sa mga basher dahil sa bagong development na ito sa kanyang buhay.

Base sa mensahe ni Mark, binabatikos at sinusumbatan daw siya gamit pa ang mga salita ng Diyos.

Mensahe niya, “Isa Lang po pakiusap ko sa mga kapatid ko sa Panginoon, don’t pressure me or attack me by using the Word of God. I know I stumbled But I really need your respect, prayer, kindness of heart, compassion and Love.. [praying and heart emojis]”

MARK AS SABEL

Gamit ang pangalang Sabel Gonzales, naging prominente ang dating trans woman nang tanghalin siya bilang Super Sireyna Queen of Flowers noong 2014.

Ang "Super Sireyna" ay ang beauty contest para sa gays at trans women sa GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!

Si Sabel din ang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2017 sa Pattaya, Thailand.

Umabot si Sabel sa Top 10.

Ang Miss International Queen ang itinuturing na pinakamalaking international beauty pageant para sa mga trans women.


Stories We Are Tracking

Former Super Sireyna winner now lives as a man
Former Super Sireyna winner now lives as a man
Super Sireyna clarifies transition from man to woman to man
Super Sireyna clarifies transition from man to woman to man
Ex-transgender Mark Estephen struggles to fight
Ex-transgender Mark Estephen struggles to fight "immorality"

Noong January 23, 2018, sinabi ni Sabel sa kanyang Facebook post na nahanap na niya ang Panginoon at ang tunay na kaligayahan.

Kasabay ng post na ito ang paggamit niya ng kanyang tunay na pangalan—Mark Estephen.

Nag-post din siya ng kanyang larawan na maiksi ang buhok at nakabihis panlalaki—mga senyales ng pagyakap sa kanyang kasarian bilang lalaki.

Umani si Mark ng suporta mula sa netizens at mga miyembro ng LGBTQ (lesbians, gays, bisexuals, transgender, queer) community.

Sa pamamagitan ng private messaging, nagpadala ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Mark ngayong gabi, November 20, upang kunan ng pahayag sa bagong development na ito sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hinihintay pa namin ang kanyang sagot habang isinusulat ang balitang ito.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN