Heart Evangelista hits back at basher who wished her dead

IMAGE Courtesy: @iamhearte on Instagram

Heart Evangelista hopes she could turn back time and have one last conversation with friend and godmother, the late Senator Miriam Defensor-Santiago. 


Hindi pinalampas ni Heart Evangelista ang komento ng isang basher na sana raw ay mamatay na siya katulad ng namayapang kaibigan at ninang sa kasal na si dating Senator Miriam Defensor-Santiago.

Nagsimula ito sa throwback post ng 33-year-old Kapuso star ng larawan nila ng yumaong senadora kahapon, November 20.

Mensahe ni Heart sa caption, “If only I could turn back time and have one last conversation with you.

"I know people would have loved an 'Adulting 101 with Senator Miriam' video too.

"Missing you everyday, Sen. Miriam."

Isang basher ang nagkomento sa post niyang ito.

Sabi ni @majesty_ny18, “Sana kunin ka na ni Lord @iamhearte.”

Hindi ito pinalampas ng actress-TV host.

Buwelta ni Heart, “@majesty_ny18 Lahat tayo kukunin ni Lord at the right time.

“Ang tanong where will you be going for being horrible?

“Better think of that before it’s too late?

“God bless you and your friends.”

Sa ngayon, burado na ang komento ng netizen at ang sagot ni Heart sa kanyang Instagram post.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN