Dingdong Dantes not closing his doors to politics; happy with his status in showbiz

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on status of his showbiz career: "Well, it's hard to say na everything is there as planned... Parang ako, hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako dito. But, grateful ako sa GMA na binibigay sa akin yung pagkakataong ito."


Inihayag ni Dingdong Dantes na nananatili siyang bukas sa posibilidad na sumabak sa pulitika balang araw. 

Ito ay sa kabila ng desisyon niyang hindi kumandidato sa anumang posisyon para sa 2019 mid-term elections. 

"Never naman," ang nakangiting sagot ni Dingdong nang tanungin kung sinasara na niya ang pintuan sa pulitika. 

Maliban sa maiksing sagot ni Dingdong ay hindi na nagdetalye pa ang Kapuso actor. 

Nasagot na raw niya ito sa kanyang official statement noong Oktubre, na pinili niyang i-prioritize ang pamilya dahil ipinagbubuntis ng misis na si Marian Rivera ang kanilang second baby. 

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa media conference ng GMA-7 prime time series na Cain at Abel, na ginanap sa Prime Hotel sa Quezon City, noong November 13. 

Ayon kay Dingdong, kuntento siya sa masayang estado ng kanyang buhay-pamilya at sa magandang takbo ng kanyang showbiz career. 

"Well, it's hard to say na everything is there as planned. There are many things also beyond our control.

"Like, etong trabahong 'to, hindi naman natin masasabi na 100 percent madidikta natin kung ano yung kapalaran natin, kung ano yung kalalabasan.

"Parang ako, hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako dito.

"But, grateful ako sa GMA na ibinibigay sa akin yung pagkakataong ito."

Habang nabibigyan siya ng magandang oportunidad, sinisiguro raw ni Dingdong na magampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho. 

"The only thing we're in control of is, first, our talents; and second, yung pagmamahal natin sa kapwa, how we deal with people.

"Basta constant lang yung mga ganung bagay.

"Yung outcome, hindi na natin alam 'yan." 

Wala na ba siyang hinihiling pa sa puntong ito ng kanyang buhay? 

Sagot ni Dingdong, "Siyempre, meron din naman. Pero one step at a time.

"Gaya nung paparating na second baby namin, siyempre pinagdasal namin yun." 

Alam na ba nila ni Marian ang gender ng kanilang second baby? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ni Dingdong, "Oo!" 

Todo-iwas si Dingdong nang usisain kung magkakaroon na sila ng "Jose Sixto Dantes IV."

"Sa pula, sa puti tayo," ang sabi lang ng aktor nang kulitin kung baby boy ang ipinagbubuntis ni Marian. 

Nakatakda raw silang magkaroon ng pribadong gender-reveal celebration bago ang third birthday ng unang anak nilang si Zia sa November 23.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN