Rayver Cruz shocked by death of cousin Teejay Cruz

IMAGE Noel Orsal / @lynncruz525 Instagram

Rayver Cruz (left) mourns the death of his "sobrang bait, sobrang talented" cousin Teejay Cruz (right).


Nagluluksa ngayon ang Kapuso actor na si Rayver Cruz dahil sa pagkamatay ng pinsan niyang si Teejay Cruz.

Si Teejay ang 37-anyos na panganay na anak ng aktor na si Tirso Cruz III at asawa nitong si Lynn Ynchausti.

Matagal daw hindi nakita ni Rayver si Teejay, kaya hindi nito alam na may sakit na kanser ang pinsan.

Sabi ng aktor, “Siyempre nalungkot at nagulat ako kasi wala talaga akong ka-ide-idea.

“Kaya gulat na gulat ako. Wala talaga akong idea.”

Ayon sa usap-usapan sa showbiz circles, inilihim talaga ng pamilya Cruz ang tungkol sa sakit ni Teejay.

Hanggang sa tuluyang bawian ng buhay si Teejay kahapon, November 21. 

Kahapon din kinumpirma ng nakababatang kapatid ni Teejay, si Bodie Cruz, na anim na buwang nakipaglaban ang kanyang kuya sa kanser. 

Sambit ni Rayver, “And nakikita ko kasi si  Bodie sa gym," at wala raw anumang nasabi si Bodie tungkol sa karamdaman ni Teejay.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rayver sa set ng GMA drama series na Asawa Ko, Karibal Ko, kung saan si Rayver ang male lead kasama nina Kris Bernal at Thea Tolentino.

Ginanap ang taping ng Kapuso teleserye sa Urology Center of the Philippines sa Quezon City, kahapon, November 21, kung kailan lumabas ang balitang pumanaw na si Teejay. 

RESPECT FOR PRIVACY

Malapit si Rayver kay Djanin Cruz, bunsong kapatid nina Teejay at Bodie, at maski raw ito ay walang nabanggit sa kanya.

Paliwanag ng aktor, “Siyempre respetuhin natin ang desisyon nung family, and baka si Teejay kasi din iyon ang gusto.

“Nakakalungkot talaga, tinext ko nga agad si Tito Pip, e," pagtukoy ni Rayver kay Tirso, na ang palayaw ay Pip. 

“Once na matapos ang taping, punta agad ako.”

Ano ang hindi niya malilimutang alaala tungkol sa kanyang pinsan?

Sagot ni Rayver, “Actually, kaya pala wala na kaming masyadong reunion na magpipinsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi si Teejay, siya talaga yung laging, kumbaga, siya yung nagse-set.

"Siya yung leader pagdating sa reunion ng mga magpipinsan.

"Tsaka pag lalabas, pag may gathering, siya talaga yung unang-unang nagsasabi.

"Siya ang gumagawa ng group para matuloy.

“At sobrang bait, sobrang bait ng lahat ng anak ni Tito Pip, wala akong masabi.

“Hindi ko rin iniisip or sumagi sa utak ko na, ‘Ano kaya ang nangyayari?’”

Ang nasa isip daw ni Rayver ay naging abala lang silang magpipinsan kaya biglang dumalang ang kanilang pagsasama.

TEEJAY, A GOOD DANCER

Parehong sumabak sa pag-aartista ang dalawang anak ni Tirso na sina Bodie at Djanin. 

Si Teejay ay huminto sa showbiz noong bata pa lamang kaya hindi na ito gaanong nakagisnan ng publiko. 

Ano pa ang pagkakakilala ni Rayver kay Teejay?

“Same silang tatlo. Sobrang mabait, sobrang God-fearing.

"Tahimik lang si Teejay, pero pag kasama mo 'yan sa labas, masaya ring kasama yun!”

'Tulad ni Rayver at kapatid nitong si Rodjun Cruz, mahusay ring sumayaw si Teejay.

Sabi pa ni Rayver, “Talented naman silang lahat, e.

"Naalala ko gumawa pa siya ng [dance] video noon, hindi lang ako nakasali kasi may work ako.

"Pero may video sila ni Rodjun noon, e. Mahilig silang gumawa ng dance clips sa Instagram, e.

"Kumakanta rin yung si Teejay. Lahat ng mga anak ni Tito Pip, talented, e.”

Sa pagkamatay ni Teejay, na-realize raw lalo ni Rayver na walang pinipiling edad ang kapalaran ng isang tao.

"Hindi rin natin talaga alam kung kailan tayo kukunin, so enjoy life lang talaga and be good.

"Always be good.”

 


Stories We Are Tracking

Tirso Cruz III's son Teejay dies at 37
Tirso Cruz III's son Teejay dies at 37
Bodie Cruz posts farewell message to brother Teejay
Bodie Cruz posts farewell message to brother Teejay
Lynn Ynchausti grateful for 37 years with son Teejay Cruz
Lynn Ynchausti grateful for 37 years with son Teejay Cruz


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN