Inigo Pascual engages in word war with basher

IMAGE Courtes: @inigopascual on Instagram

Inigo Pascual to basher: "Bat ako papapigil sa tulad mong di naman kaya ako harapin..."


Hindi nagpaawat si Inigo Pascual sa pagsagot sa isang basher sa Twitter.

Noong November 20, Martes, sinagot ng Kapamilya singer ang panibagong banat ng isang basher tungkol sa kanyang hitsura at talento.

Ayon sa basher, hindi raw bagay sa showbiz si Inigo dahil hindi raw ito guwapo.

Sabi pa ni @Imagine55049214 kay Inigo, "Mas gwapo pa si Nick sayo @OneInigoPascual."

Tugon naman dito ni Inigo, "Patingin nga ng mukha mo... lmao."

Ang "LMAO" ay pinaiksing "Laughing My Ass Off," na kadalasang ginagamit sa social media post.

Dagdag pa ni Inigo, "@Imagine55049214 lol alam kong mahal mo ko... obssessed na obssessed ka sakin."
Sabi pa niya sa basher, "@Imagine55049214 haha hintayin ko pa comments mo sa next pics ko... hintayin mo nalang mga posts ko.. saya mo eh."
Sagot naman ng basher, hindi niya kailangang ipakita ang mukha niya dahil hindi naman siya artista.
Tweet pa niya, "No need kahit naman panget ako di naman ako artista e ikaw di ka naman gwapo pero ang lakas ng loob mong mag showbiz."

Sagot ni Inigo sa kanya, at least daw may ginagawa siya.

Hindi pa rin nagpaawat ang basher, sinabi nitong kung hindi lang daw anak ni Piolo Pascual si Inigo ay wala itong puwang sa showbiz.

Buwelta naman ng 21-year-old singer, “Inggit ka?”

Payo pa ng basher, dapat daw umuwi na lang si Iñigo sa Amerika dahil mas marami raw talented na artista na ngayon.

Sagot ni Inigo, “Bat ako papapigil sa tulad mong di naman kaya ako harapin...”
Sa huli, sinabi ni Inigo na inaliw lamang niya ang kanyang sarili sa pagsagot sa nasabing basher.

Aniya, "Okay tapos ko na aliwin sarili ko sa basher na to. Balik na ko sa ginagawa ko... hahaha."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN