Dina Bonnevie almost quit showbiz because of pene movies

IMAGE @dinabonnevie Instagram

Dina Bonnevie on fame and her staying power in showbiz: "Of course, pagtanda mo, parang you'll say it's a thankless job, kasi parang hindi ka na sikat. Pero ganun talaga, e. You can't always be up there."


Inamin ni Dina Bonnevie, 57, na minsan niyang naisip mag-quit sa pag-aartista noong baguhan pa lang siya. 

Kaya nakatutuwang umabot siya ng 38 taon sa show business, at bigay-todo pa rin ang pagmamahal sa trabaho.

Balik-tanaw ng beteranang aktres, “There was a time na ayoko mag-artista, nung nauso masyado yung mga pene movies.

“Yung mga super… hindi na bold, e. Bomba na, e.

“Di ba, yung mga nag-e-exposure ng suso, ng puwet? Nauso yun.

“During that time, I didn’t want.”

Noong panahong iyon, ilang taon pa lang ang lumipas mula nang malunsad ang showbiz career ni Dina sa mga pelikulang Underage, Temptation Island, at Katorse (1980).

Pero sa kabila ng mga agam-agam niya ay nagpursigi pa rin daw si Dina na hanapin ang kanyang lugar sa showbiz.

Patuloy niya, “I was so lucky that God gave me the chance to be a talk-show host.

“If I wasn’t able to reinvent myself as a host, malamang wala na ako sa showbiz.

“But I was lucky na na-reinvent ko yung sarili ko, na na-discover ko may iba pa pala akong talent bukod sa pag-arte.

“Kaya ko pala mag-host.”

Unang hosting stint ni Dina ang Let’s Have Dina sa IBC-13 noong 1988.

Naging talk-show host din siya sa GMA-7 para sa mga programang Ms. D (1996-1999) at D! Day (1999).

Pagdating sa pelikula, nakilala ang galing niya sa pag-arte sa Magdusa Ka! (1986), Gumapang Ka Sa Lusak (1990), at Sa Kabila Ng Lahat (1991).

Hanggang sa kasalukuyan ay aktibo si Dina sa paggawa ng teleserye.

Iba raw kasi ang saya na nakukuha niya sa kanyang trabaho.

Sabi ni Dina tungkol sa buhay-artista, “Of course, pagtanda mo, parang you’ll say it’s a thankless job, kasi parang hindi ka na sikat.

“Pero ganun talaga, e. You can’t always be up there.

“Kumbaga, yung continuity, yung continuance, yun ang mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Madaling umakyat, but it’s hard to stay up. It’s hard to stay there.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dina pagkatapos ng media launch ng GMA prime time series na Cain at Abel.

Ginanap ang event sa Prime Hotel, sa Quezon City, noong November 13.

"WALANG BARILAN" IN SHOWBIZ

Ayon pa kay Dina, mas gusto niyang manatili sa showbiz kaysa pasukin ang mundo ng pulitika.

Sapat na raw na ang mister niya, si Ilocos Sur First District Representative Deogracias Victor "DV" Savellano, ang nasa public service.

“Maraming naghihikayat sa akin maging pulitiko. Pero parang hindi ko mundo, e,” pakli ng aktres. 

Di hamak na gamay na raw kasi ni Dina ang kalakaran sa show business.

“Yung pagganap mo, professional ka ba? Hindi ka ba nagpataba? Do you stay in shape? Are you healthy?

“Okay ka bang kasama ka? Nakikisama ka ba sa taping? Or tipong prima donna ka ba?

“Your life is according to what you make of it.”

Aminado si Dina na pinaghihirapan niya nang husto kung anuman ang naabot niya bilang artista.

Pero iba raw ang hirap, pagod, at panganib na kaakibat sa oras na pasukin niya ang mundo ng pulitika.

“Ang nakakatakot dun, hindi mo alam kung sino ang naiinggit at kung sino ang nakaka-appreciate, e.

“Hindi mo alam kung sino ang kalaban mo.

“At least, ang show business, wala naman sigurong barilan or patayan. Alam mo kung sino ang kalaban mo.

“Pag politics, hindi mo alam. Maaaring yun palang kaharap mo, yung kaninang kausap mo, yun pala ang pinakasugo ng kalaban mo.

“Di ba? Ayoko ng ganun. Nakakatakot!”

BETTER PAY IN SHOWBIZ THAN POLITICS

Ayon kay Dina, mas mabilis ding nakikita ang resulta ng trabaho sa showbiz kaysa sa pulitika.

“I’ve seen a lot of politicians who spend a lot of money campaigning 'tapos hindi mananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero mabait sila, ha. Honest sila. Bakit hindi sila nanalo?

“E, di sila naglabas ng pera, e. Yun ang masakit.

“At least ang show business, pinagbutihan mo trabaho mo, ginalingan mo pag-arte mo, magaling ka makisama, professional ka, you’ll get the next job.

“Yung pulitiko, you wanna stay there pero you can’t. It’s up to them.

"E, ikaw, it’s up to you. You’re always as good as your last project.”

Running joke na sa pagitan ni Dina at ng mister niya ang dahilan kung bakit ayaw sumabak sa public service ng aktres. 

Sabi raw ni Dina kay Congressman DV:

“Sa mundo namin, binabayaran kami para mag-attend ng fiesta. Sa mundo ninyo, kailangan magbayad kayo para maimbita sa fiesta.

“Sa amin, nagkukumahog sila para magpa-picture sa amin. Sa inyo, kailangan magbayad kayo ng tao para magpuntahan sa ‘yo at makipag-picture.

“Sa amin, okay naman yung pay. Sa inyo puro trabaho, 'tapos konti lang yung pay.”  

View this post on Instagram

They say life isn’t a bed of roses, but it is with You my Love!??????

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie) on

WHEN ART IMITATES LIFE

Sa huli, iginiit ni Dina na kuntento na siya sa buhay-artista.

“What keeps me going is portraying life as it is.

“Showing people that life is not looking at rose-colored lenses,” sabi ni Dina tungkol sa paggawa ng palabas na kapupulutan ng aral ng mga manonood.

“Sa amin, that’s already service to humanity.

“Natutuwa ako na puwede ako personalin ng tao na, ‘Huy, nakikita niyo ako. Eto nangyayari sa buhay niyo at sa buhay ko. Nangyayari sa atin. Tingnan niyo.

“'Gusto kong maramdaman mo para makapag-reflect ka sa sarili mo—na either gagayahin mo or hindi mo ako gagayahin.'

"Di ba, nakakatuwa yun?”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN