KC Concepcion's French boyfriend posts kissing photo with sweet message

IMAGE @peplassart / @itskcconcepcion Instagram

KC Concepcion's French boyfriend Pierre Emmanuel Plassart has the sweetest message for her: "I'm the most thankful for having her back into my life. She makes every movement worth it, fun and memorable."


Hindi maikakailang head over heals in love sa isa't isa si KC Concepcion at ang French boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

Ngayong Biyernes, November 23, nag-post si Pierre sa kanyang Instagram ng litrato nila ni KC kung saan makikitang magkahalikan ang couple. 

Kalakip nito ang deklarasyon ni Pierre kung gaano niya kamahal si KC. 

Pahayag ng binata, "Lots to be thankful this year - family, health.

"But I’m the most thankful for having her back into my life.

"She makes every movement worth it, fun and memorable.

"I wish you all a Happy Thanksgiving!!"  

 IMAGE @peplassart Instagram

Sa isa pang post ni Pierre, inilarawan niya si KC bilang super supportive girlfriend.

"This beautiful woman (inside and out) encourages me to be the best in all circumstances.

"I’m forever grateful for this long road ahead together," dagdag ni Pierre. 

Ang mensaheng ito ni Pierre ay bahagi ng pagdiriwang niya ng Thanksgiving Day sa U.S.

 IMAGE @peplassart Instagram

Hindi rin nagpahuli si KC sa pagbahagi ng pasasalamat dahil nahanap niya kay Pierre ang pag-ibig na matagal na niyang hinihintay. 

Sa hiwalay na Instagram post ni KC, sabi niya kay Pierre:

"Of all the things I can be thankful for this year, I gotta give it to this one. [cheesy emoji]

"Just like the bright, warm sun that hits your face on a cold day, right when you least expect...

"He was there, as if on cue, as though he himself were summer in the wintertime.

"Thank you for giving me the unconditional love I have not felt in a very long time 

"(Ok now I deserve a whiskey sour with my turkey) @peplassart

"#[cheesy emoji] #HappyThanksgiving to all Fil-Ams, family & friends in Amurrrrica!"

 IMAGE @itskcconcepcion Instagram

Nagkakilala sina KC at Pierre sa gala dinner ni dating U.S. President Bill Clinton noong October 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

September 2012 nang mabalitang masugid na nanliligaw kay KC si Pierre.

Hanggang sa pagsapit ng February 2013, inihayag ni KC na pinatigil na niya ito sa panliligaw dahil hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon. 

Sabi pa ni KC noon, kung "true love" ang nararamdaman ni Pierre para sa kanya ay mahihintay siya nito. 

Hanggang sa nitong 2018, muling nagkrus ang landas ng dalawa at hindi na nila pinalampas pa ang pagkakataong maging sila. 

Parehong boto ang kanilang pamilya sa relasyon nina KC at Pierre. 

September 2018 nang magbakasyon si KC sa bahay ng pamilya ni Pierre sa France, habang November 2018 naman nang magbakasyon si Pierre dito sa Pilipinas. 


Stories We Are Tracking

KC's French boyfriend now in PH
KC's French boyfriend now in PH
KC reminisces
KC reminisces "dreamy night" when she first met Pierre
KC Concepcion posts kissing photo with boyfriend Pierre
KC Concepcion posts kissing photo with boyfriend Pierre
KC shows holding hands photo with French boyfriend
KC shows holding hands photo with French boyfriend


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN