Sharon Cuneta still remembers exact date she said 'yes' to Richard Gomez

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta reveals she said yes to Richard Gomez on October 11, 1989. Their relationship lasted for almost six years: "On and off. Mostly on. Pero, pero, lahat ng… nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice. Napakabait ko kasi. No, really because he's a good person to begin with."


Tandang-tanda pa ng Megastar na si Sharon Cuneta ang petsa kung kailan niya sinagot ang dating nobyong si Richard Gomez—October 11, 1989.

Ang alam ng publiko ay isang taon lamang ang itinagal ng kanilang relasyon ngunit, ayon kay Sharon, umabot pala ito ng halos anim na taon.

Pareho lamang daw silang 23 years old nang nagkaroon sila ng relasyon.

Ngayon ay kapwa na sila 52 years old.

 IMAGE Noel Orsal

Lahad ni Sharon tungkol sa naging relasyon nila ni Richard, “Five or six. On and off. Mostly on.

“Pero lahat ng… nagtaasan kami ng boses siguro twice lang or thrice.

“Napakabait ko kasi... No, really, because he’s a good person to begin with.

“Mapapatawad mo. Mapapatawad mo kasi sobra naman niya akong mahalin.”

Kasunod nito, sinabi rin ng singer-actress kung ano ang ipinagkaiba ni Richard sa ibang mga naging karelasyon niya noon.

“'Tapos, lahat ay natiis ko sa kanya.

"Pero di ko titiisin kahit kalahati nun sa kung sino mang nauna sa kanya or sinuman after, hindi ko natiis yun, sa kanya lang.

“That’s why malalim ang pinagsamahan namin.”

 IMAGE Noel Orsal

Ibinahagi ni Sharon ang mga detalyeng ito tungkol sa naging relasyon nila ni Richard sa grand presscon ng pelikulang pinagbibidahan nila, ang Three Words to Forever, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN kagabi, November 22.

Kasama rin nila sa pelikula sina Kathryn Bernardo, Liza Lorena, Freddie Webb, Tommy Esguerra, at Joross Gamboa.

Ipalalabas ito sa mga sinehan simula sa November 28.

 IMAGE Noel Orsal

SUCCESSFUL RICHARD

Ayon pa sa Megastar, nakikinita na niya noon pa man na malayo ang mararating ni Richard.

Ngayon, bukod sa pagiging magaling at respetadong aktor, isa na ring lingkod-bayan si Richard bilang alkalde ng Ormoc City, Leyte.

"Now, he’s so happy with Lucy, with Juliana," pagtukoy ni Sharon sa asawa at anak ng actor-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My God, I always thought he would become successful kasi bata pa lang kami, masinop na 'yan.

“Yung investments niya, paintings, bahay... yung iba, inuuna sports car.

“Kami, nung nagdi-date kami nung una, L300 [ang sasakyan].

“Tapos nagsu-shoot kami sa Forbes Park [Makati], nung Oras-oras, Araw-araw, and he’s so happy, paglabas, meron na kaming Nissan Sentra.

“Hindi ka na aakyat sa bintana, hindi ka na hahakbang.

“Ngayon, nakatira na siya sa Forbes Park.

"Ako naman ang umalis, sa Dasma [Dasmarinas Village, Makati]."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN