Rodjun, Donna, Geneva mourn death of cousin Teejay Cruz

IMAGE @rodjuncruz / @donnacruzyl / @genevacruzofficial Instagram

Rodjun Cruz (in white) shows photo of happy days with brother Rayver (in black) and their cousin, the late Teejay Cruz (in red). Donna Cruz and Geneva Cruz also post messages expressing their grief over the sudden death of their cousin Teejay. 


Nagdadalamhati si Rodjun Cruz sa pagpanaw ng pinsang niyang si Teejay Cruz. 

Si Teejay—anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti—ay pumanaw noong November 21, matapos ang anim na buwang pakikipaglaban sa cancer.

Thirty-seven years old si Teejay. 

Sa kanyang Instagram post kahapon, November 22, ginunita ni Rodjun ang ilan sa mga masasayang alaala kasama si Teejay. 

Makikita sa mga litrato nila kung gaano kalapit si Rodjun kay Teejay, lalo na't pareho silang mahilig magsayaw. 

Nangunguna ang magpinsan sa dance video, kung saan kasama rin nila si Tirso, bunsong kapatid ni Teejay na si Djanin, girlfriend ni Rodjun na si Dianne Medina, at isang di pinangalanang babae. 

Ipinakita rin ni Rodjun ang ilan pang larawan na nagpapatunay kung gaano sila ka-close na magpipinsan. 

Makikita sa isa nilang family reunion na nakasama nina Rodjun at Teejay ang mga pinsang sina Sunshine Cruz, Geneva Cruz, at Donna Cruz.

Simpleng mensahe ni Rodjun kay TJ, "Sobrang mamimiss ka namin T.j!

"Love you my Brother. Kapiling mo na ngayon si Lord God.[heart and prayer emoji]

"You can now dance with the Angels in heaven. @spikeforhope" 

 IMAGE @rodjuncruz Instagram

DONNA CRUZ

Sa isang hiwalay na post, nagpaabot si Donna Cruz ng pakikiramay sa pagkawala ng pinsang si Teejay. 

Base ito sa comment ni Donna sa Instagram post ng ina ni Teejay na si Lynn. 

Pahayag ni Donna: "Tita, nakakaiyak po ...

"wala po akong ibang masabi na but bilang isang ina na sobrang malapit at attached din po sa mga anak, sobrang bigat po sa pakiramdam ko. 

"Love you tita!"

Kahit minsan lang sila magkita, nasaksihan daw ni Donna kung gaano kabait si Teejay.  

"Sandali lang lang po kami nagkasama ni Teej kasi sa Cebu po ako pero siya po ang hinahanap ko kila Bey and Mi at gusto ko makasama kapag may plano magreunion kaming mga magpipinsan. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang bait, sweet at matulungin. 

"Sobrang loved and mamimiss po ng lahat si TJ. 

"Nadagdagan po ng angel si God sa Heaven. My heartfelt condolences po sa inyo, tita and tito, cousins Dhan and Bodie... you're all in my prayers po.

"Rest in Peace, Teej! Love you, cousin! [heart emojis] @lynncruz525 @tirsocruziii"  

GENEVA CRUZ

Pinatotohanan din ito ng pinsan nilang si Geneva Cruz, na nag-iwan ng mensahe sa Instagram post ni Lynn. 

Sabi ni Geneva, "He really had a beautiful heart. 

"God bless you and your family, Tita @lynncruz525. Gonna miss TJ so much. We love you!" 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN