Richard Gomez proud of his achievements as Ormoc mayor in less than three years

IMAGE Noel Orsal

Ormoc City Mayor Richard Gomez gamely answers question from the media in Visayan dialect. 


Matatas nang magsalita ng Bisaya ang aktor at mayor ng Ormoc City, Leyte na si Richard Gomez.

Kaya naman hinamon siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawang national dailies na gawin naming full local dialect ang aming interview sa kanya.

Sa grand presscon kasi ng pelikulang Three Words To Forever kagabi, November 22, puring-puri ng Megastar na si Sharon Cuneta ang leading man at dating boyfriend sa pamamalakad nito sa Ormoc.

Nakikita raw ng singer-actress ang kaunlaran ng siyudad sa halos dalawang linggo nilang pamamalagi doon para sa shooting ng kanilang pelikula.

Tanong ng PEP.ph kay Richard: “Ngano nga niuswag pag-ayo ang Ormoc sa duha ka tuig pa lamang sa iyang termino?”

(Bakit ganoon na lamang kabilis ang pag-asenso ng Ormoc sa halos dalawang taon pa lang niya sa tungkulin?)

Tugon ni Mayor Richard, “Ako mana gitrabahug maayo.

“Akong gi-prioritize sa Ormoc kanang peace and order situation, gitrabaho naku pagmaayo ang peace and order situation, para mosulod ang mga investors ‘no.

“Ila manang nakita karon nga maayo na ang peace and order, so nisulod na ang mga malls, naa na ang Robinsons, naa na ang SM, nag-abli na karon ra, bag-o ra.

“So, dako na ang improvement, unya i-achieve namon nga mahimog drug-free ang Ormoc City nga una sa tibuok Region 8.”

(Trinabaho ko talaga yan nang husto. Inuna ko talaga ang peace and order situation sa Ormoc, para pumasok ang mga investors. Nakikita na nila ngayon na maayos na ang peace and order, kaya pumasok na ang mga malls, nandiyan na ang Robinsons, ang SM, kakabukas lang, nito lang. So, malaki talaga ang improvement, ang gusto namin ngayong ma-achieve ay maging drug-free ang Ormoc City na maging una sa buong Region 8.”)

Kasunod na tanong: “Unsa may iyang masulti nga nahimo niyang pauswagon ang Ormoc sa duha lamang ka tuig sa iya paglingkod isip mayor na dili nabuhat sa iyang mga kaatbang sa pulitika nga dugay na kaayo nagsilbi didto ?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(Ano ang masasabi niya na nagawa niya sa loob lamang ng halos dalawang taon ang mga kaunlaran ng lungsod gayong hindi nagawa ng kanyang mga kalaban sa pulitika na dekada na ang itinakbo ng panunungkulan doon?)

Tugon ni Richard, “Siguro, ang ako lang kasi, siguro personally, I’m an achiever.

“Gusto nako nga ipakita sa ila na when you are an elected official, sayon lang to.

“Tulo katuig mahuman na imong term, so akong gipakita sa ila na sulod sa tulo ka tuig, naa koy nahimo, naa koy mahimo.”

(Siguro, ang sa akin kasi, personally, I’m an achiever. Gusto ko na ipakita sa kanila na when you are an elected official, madali lamang ito. Tatlong taon lamang ang termino ng mayor, so pinakita ko na sa loob ng aking termino na tatlong taon, meron akong nagawa, meron pa akong magagawa.)

Malaki naman ang pasasalamat ni Richard na suportado siya ng city council.

Saad niya, “Unya, ang maayo sa akong leadership sa Ormoc, ang maayo ang akong council, unya very cooperative ang army ug ang pulis.

“So, ang among thrust, na na-achieve namo in such a short time.”

(“ng maganda sa leadership ko sa Ormoc, maayos ang aming council, very cooperative din ang mga army at pulis. Kaya, ang aming thrust, na na-achieve namin in such a short time.)

LEARNING THE DIALECT

Ang principal photography ng pelikula nilang Three Words to Forever ay kinunan sa Ormoc.

Tanong pa namin, kapag ipalabas na ito sa darating na November 28, “Unsa nga mga lugar sa Ormoc ang gipakita sa pelikula nila?”

(Anu-anong mga lugar sa Ormoc ang makikita sa pelikula nila?)

Sagot ni Richard, “Ang bukid ang amo gipakita, ang Tongonan where the geothermal plant is, among gipakita ang Lake Danao.

“Ang Lake Danao is the premiere destination sa Ormoc City.

“Unya, among gipakita, kay naa man sa distrito ni [Congresswoman] Lucy [Torres-Gomez], ang Kalanggaman Island which is one of the hottest tourism destination sa nasud no.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang amo sad pineapple plantation ay amo pud gipakita sa movie.”

(Ang bukid namin ipinakita namin, ang Tongonan where the geothermal plant is, pinakita din namin ang Lake Danao. Ang Lake Danao is the premiere destination sa Ormoc City. And, ipinakita din, dahil nasa distrito ni (Congresswoman) Lucy (Torres-Gomez), ang Kalanggaman Island which is one of the hottest tourism destination sa bansa. At ipinakita din naman sa movie ang pineapple plantation namin.)

View this post on Instagram

On the floating set while having fun at work at the Lake Danao in Ormoc City.

A post shared by Richard Gomez ???????? (@richardgomezinstagram) on

Ayon pa kay Richard, pinag-aralan talaga niya ang pagsasalita nang maayos na Bisaya, lalo na noong nagpakasal na sila ng asawang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Sabi niya, “Nagtuon lang ko. Actually, sa una wala ko kahibawo mag-Binisaya.

“I’m really Tagalog. I was raised and born in Manila, ang mommy naku taga-Bulacan.

“But when I married Lucy, ingon naku kay Lucy na gusto naku makasulti ug Bisaya.

“So, what I did was, I bought a book, English to Bisaya, then I started reading.

“Unya akong mga katabang sa balay puro Bisaya, aside from my driver.

“So, siguro ganun lang yung process ko, ingon ko sa ila, ‘Ayaw kog makig-istorya ug Tagalog or English ha, gusto naku Bisaya.’

“That’s how I learned it.”

(Nag-aral lang ako. Actually, dati hindi ko alam magsalita ng Bisaya. I’m really Tagalog. I was raised and born in Manila, ang mommy ko taga-Bulacan. But when I married Lucy, sabi ko kay Lucy na gusto ko makapagsalita ng Bisaya. So, what I did was, I bought a book, English to Bisaya, then I started reading. At ang aming mga kasambahay sa bahay ay puro Bisaya, maliban sa aking driver. So, siguro ganun lang yung process ko, sabi ko sa kanila, ‘Ayaw ko makipag-usap ng Tagalog or English ha, gusto ko Bisaya.’ That’s how I learned it.)


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN