Is Kathryn Bernardo ready to settle down with Daniel Padilla?

IMAGE Noel Orsal

For Kathryn Bernardo, doing a movie without Daniel Padilla has been a big adjustment for her: "Ang tagal, six or seven years na kasama ko si DJ; yung kapag pupunta ka sa set, naninibago talaga ko."


Kapansin-pansin ang pagma-mature ni Kathryn Bernardo base sa pananalita at pananaw niya sa buhay ngayon.

At dahil open na sila ni Daniel Padilla sa kanilang relasyon, handa na ba si Kathryn na magpakasal?

Tugon ng 22-year-old actress, “Malalaman mo naman kung ready na yung partner mo.

“Iba-ibang age tayo puwedeng maging ready na pasukin ang marriage.

“Kasi ibang level ‘yan sa mag-boyfriend-girlfriend kayo.

“For me, kapag nakikita mo yung buhay mo, kapag nakikita mo yung mga bagay na ginagawa mo na kasama mo yung taong yun.

“Kapag hindi mo makita yung future na wala siya, and kapag nakikita mo na nandiyan yung respeto niyo sa isa’t isa, that’s the time.

“Iba-ibang age tayo nagiging ready, pero kapag na-feel mo na yun, you just have to jump in.”

Nararamdaman na ba ni Kathryn na handa na siya sa bagay na ito?

“Not so soon naman!” natawa niyang sabi. “Too early pa for now.

“Ito yung mga bagay na hindi mo dapat minamadali, kasal na, e.

“And ang unfair sa isa or pumasok ka sa isang bagay na hindi ka ready. Hindi mo maibibigay lahat.”

Kinilig naman ang nasa Dolphy Theater sa naging sagot ni Kathryn kung ano si Daniel sa kanya.

“I’m the happiest when I’m with DJ,” deklara niya.

“Kasi, hindi lang siya boyfriend, e. Kaibigan mo rin, masasabihan mo sa lahat at kung paano siya sa family ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Kathryn sa grand presscon ng pelikulang Three Words To Forever, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nitong Huwebes, November 22.

SURPRISE FROM DANIEL

Aminado naman si Kathryn na hindi naging madali sa kanya habang ginagawa ang Three Words to Forever, dahil hindi niya kasama rito si Daniel.

“Of course, it’s a big adjustment for me,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang tagal, six or seven years na kasama ko si DJ; yung kapag pupunta ka sa set, naninibago talaga ako.”

Ayon kay Kathryn, nangapa siya sa mga unang araw ng shooting nila, lalo na’t sa Ormoc sila nag-shooting ng ilang linggo.

“Siyempre, nangangapa ka, lahat kami, out-of-town pa yung shoot, lahat kami… hindi ka makakauwi sa house mo.

“Hindi mo makikita ang ibang tao. Pero after a week, yun na yung, ‘Ah okay na.’”

Hindi rin itinanggi ni Kathryn na talagang napasigaw siya nang sorpresahin siya ng dalaw ni Daniel sa shooting nila sa Ormoc.

“Oo,” pag-amin niya.

“Ang tagal ko siyang hindi nakita, e. Parang na-recharge ako nang makita ko siya.

"Parang okay, okay na ulit."

Malaking tulong daw ang suportang ibinigay sa kanya ng boyfriend.

“Nakatulong talaga si DJ kung paano niya ako sinuportahan sa movie na ito, and hindi nagkulang si DJ sa support.

“Siya ang kumausap kay Tommy [Esguerra] nang pumunta siya, mas madali rin para sa aming dalawa.”

Malaking bagay rin daw at ikinatutuwa ni Kathryn na nakasama niya sina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa pelikula.

Lahad niya, “In-offer kasi itong movie, of course with Tita Sharon and Tito Richard, and ang ganda-ganda at gusto ko siyang gawin.

“Anak ako, e, member ako ng family. Gusto ko na ako ang mag-represent sa mga youth ngayon.

“Na when they watch the movie, ‘Ah, okay, gets ko siya,’ ako yung parang boses ng mga anak.”

Ipalalabas ang Three Words to Forever sa November 28 kasabay ng pagdiriwang ng National Family Day, at bahagi rin ng ika-25 taong anibersaryo ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN