Lynn Ynchausti misses son Teejay Cruz; posts video of their Japan trip

IMAGE Courtesy: @lynncruz525 on Instagram

Lynn Ynchausti posts a throwback video of her with firstborn son Teejay. Still mourning the untimely death of Teejay, Lynn says, "I miss you my son!"


Sinariwa ni Lynn Ynchausti-Cruz ang masasayang alaala nila ng namayapang panganay na anak nila ni Tirzo Cruz III, si Teejay o Tristan Jedidiah Cruz.

Pumanaw si Teejay nitong Miyerkules, Nobyembre 21, dahil sa cancer.

Siya ay 37 taong gulang.

Ngayong Biyernes, November 23, ipinost sa Instagram ni Lynn ang masayang video nila ni Teejay sa Tokyo Disneyland.

Nagbakasyon ang kanilang pamilya sa Japan noong Abril.

Hindi raw mapaghiwalay ang mag-inang Lynn at Teejay, na aminadong "Mama's boy."

Sabi pa ni Lynn sa caption ng kanyang post, "While @tirsocruziii @bodiecruz and @djanincruz were standing somewhere while waiting for the Disney Parade, me and TJ sat down in front to get a full view of the Disney characters.

"I miss you my son!

"Mama loves you dearly! #mamasboy."

Sa Linggo, November 25, alas-dos ng hapon, nakatakda ang cremation ng mga labi ni Teejay sa Manila Memorial Park, Sucat, ParaƱaque.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN