Vice Ganda leaves funny comment on Marian Rivera's Instagram post

IMAGE Arniel Serato / Noel Orsal

Vice Ganda (left) leaves a hilarious comment on Marian Rivera's (right) latest Instagram photo of her daughter Zia, who is celebrating her third birthday today, November 23.


Nakipagbiruan ang ABS-CBN star na si Vice Ganda kay Kapuso Prime-Time Queen Marian Rivera sa Instagram ngayong Biyernes, November 23.

Nag-umpisa ito nang nagpost si Marian ng larawan ng anak nila ni Dingdong Dantes na si Maria Letizia o Zia.

Ipinagdiriwang ni Zia ang kanyang third birthday ngayong araw sa Hong Kong Disneyland.

Sa larawan, makikita si Zia katabi ang mascot na si Mickey Mouse.

View this post on Instagram

Happy Birthday Ate Z! ?? #happyZday #MariaLetizia #TeamDantes

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Sa comments section, ang biro ng It’s Showtime host, "Naalala ko kabataan ko. Ganyang ganyan itsura ko noon e. Manipis ang kilay, malaki ang mata tapos maitim ang ilong. (si mickey pala! lol)."

Sagot naman ni Marian dito: "@praybeytbenjamin whahahahah [laughing emoji]"

Matatandaang lumikha ng ingay sa social media sina Vice at Marian matapos bumisita sa shooting ng pelikulang Fantastica ang Kapuso actress noong October.

Isa si Dingdong Dantes, asawa ni Marian, sa leading men ni Vice sa Fantastica, na siyang entry niya sa 2018 Metro Manila Film Fest (MMFF).


Stories We Are Tracking

Vice on Marian:
Vice on Marian: "Ang ganda ni Marian!!!"

Samantala, nakatanggap ng birthday greetings si Zia mula sa mga stars ng ABS-CBN at GMA-7.

Binati siya ng Kapamilya stars na sina Jessy Mendiola at Mariel Padilla, maging ng mga Kapuso actresses na sina Katrina Halili, Chyna Ortaleza, Kim Domingo, Manilyn Reynes, at Diana Zubiri.

 

 


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN