Sharon Cuneta criticized by netizens for her political affiliations

IMAGE Noel Orsal / @reallysharoncuneta on Instagram

Sharon Cuneta calmly replies to netizens who criticized her for affiliation with President Rodrigo Duterte. (Right photo) President Duterte endorsed Sharon's brother, Chet Cuneta, who will run for mayor in Pasay City in 2019.


Hindi nakaligtas si Sharon Cuneta, 52, sa pambabatikos ng ilang netizens dahil sa kanyang political affiliations.

Kagabi, November 23, nag-post ang Megastar ng larawan ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta kasama si Pangulong Duterte.

Binanggit ni Sharon sa post na inendorso ng Pangulo si Chet sa pagtakbo nito bilang mayor ng Pasay City sa 2019 mid-term elections.

Ikinadismaya ito ng ilang netizens na anti-Duterte.

Isang netizen pa ang tinawag ang singer/actress/host na “Dutertard” “Kadiri,” at “a privileged actress who adored one of the greatest thieves in the world: the marcoses.”

Ipinagtanggol ni Sharon ang sarili.

Aniya, mayaman man silang ipinanganak ng kanyang kapatid, pinagpaguran nila ang kanilang magandang estado sa buhay.

“I may have been born privileged but I have worked my butt off and vomited blood, sweat and tears.

“My brother has been a pilot living a simple and honest life as a pilot for 35 years.”

Nagpaliwanag din si Sharon sa affiliation ng kanyang kapatid sa Pangulo.

“Pres. Duterte has been the only one who could have brought my brother to the attention of certain voters.”

Dugtong pa ni Sharon, “Only, unlike you, we hold our tongues even about issues about ALL politicians because our priority is to make Pasay great in our own little way.”

Banat niya sa netizen: “What you said does not reflect on us the way it reflects on you.”

Sabi naman ng isa pang netizen, huwag boboto ng kandidato “DAHIL LANG NA INDORSE NG IDOL NYO…”

Sinang-ayunan ito ni Sharon at hinimok ang netizen na i-background check ang kanyang kuya.

Hinamon pa niya itong subaybayan ang kanyang kapatid kung sakaling palarin itong manalo.

Ganito rin ang mensahe ng isa pang netizen na sinabing hindi niya iboboto ang kapatid ni Sharon dahil sa reputasyon ng Pangulo.

Sagot ni Sharon, gustong tumakbo ng kanyang kapatid dahil nais nitong magkaroon ng positibong pagbabago sa lungsod ng Pasay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama nina Sharon at Chet, ang yumaong si Pablo Cuneta, ay nanilbihan bilang mayor ng Pasay sa loob ng apat na dekada at itinuturing na longest-serving mayor sa Pilipinas.

Ang mister naman ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan ay ang presidente ng opposition party, ang Liberal Party.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN