Kris Aquino expresses support to Sharon Cuneta amid pro-Duterte criticisms

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino (left) comments on Instagram to expresses support for Sharon Cuneta, who is being bashed by netizens for her pro-Duterte post.


Nagpahayag ng suporta si Kris Aquino kay Sharon Cuneta sa gitna ng pambabatikos sa Megastar dahil sa kanyang political affiliations.

Kahapon, November 23, nag-post si Sharon sa Instagram ng larawan ng kanyang kapatid na si Chet Cuneta, habang itinataas ang kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Simbolo ito ng pag-endorso ng Pangulo sa kandidatura ni Chet bilang Pasay City mayor sa 2019 mid-term elections.

Sa comments section, pinuna ng netizens si Sharon dahil sa kanyang pro-Duterte post.

Ang mister ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan ang presidente ng Liberal Party, ang itinuturing na opposition party sa kasalukuyang administrasyon.


Stories We Are Tracking

Sharon criticized for her political affiliations
Sharon criticized for her political affiliations

Sa post ni Sharon ay nagkomento si Kris upang ihayag ang kanyang suporta sa Megastar sa kabila ng pambabatikos na natatanggap nito.

Bungad ng 47-anyos na host/actress/social media star, “I need to comment to send you a virtual HUG… who will support each other unconditionally BUT siblings?”

Inalala pa ni Kris nang sabihin noon ni Sharon na may crush si Chet sa kanya.

“Ate S, i hope i am remembering the circumstances correctly- we taped an episode in your Westgrove home in the early 2000s and you mentioned to me your kuya had a crush on me and I had said-sayang it would have been a dream come true to be your sister in law.”

Dugtong ni Kris, sa pagkakakilala niya kay Sharon, handa itong mag-ikut-ikot at magbahay-bahay para sa kampanya ng kapatid.

“We live in a democracy, and it will really be up to the voters to decide BUT from all i have gotten to know about you through our regular communication for most of this year, araw araw kang iikot & mag ha house to house para sa kuya mo.”

Sabi pa ni Kris, “And i hope people will view this as important, you are his only sibling who shares his exact DNA and you make an honest living-hindi ka aasa sa kanya kung sakaling siya ang piliin ng taong bayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking consideration dapat yun para sa mga constituents.

"My prayers are with you & your whole FAMILY.”

Kagaya ni Sharon, si Kris ay mula rin sa political family.

Ang yumaong ama ni Sharon na si Pablo Cuneta ang longest-serving mayor sa Pilipinas; nasa puwesto siya sa loob ng 41 taon.

Si Kris naman ay anak ni dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at ni dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Ang kuya naman niyang si Benigno “Noynoy” Aquino III ang ika-15 pangulo ng Pilipinas.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN